CHAPTER 4

13.9K 202 2
                                    

CHAPTER 4


Isang linggo akong nasa hospital bago nakauwi ibig sabihin ay isang linggo na rin akong di nakakaramdam ng pasa.

Natatakot na muli akong masaktan pa! Pero kakayanin ko ang lahat lahat dahil mahal ko sya.Hindi na muling bumisita si Yusef sa hospital. Minsan ay nag-iisa ako pero minsan andyan si Avria.Hindi nya ako mababantayan kasi may trabaho pa sya sa opisina. Pero si Yusef? Pag ang kabit nya may oras sya pero sa akin wala?Sobrang bigat na ng puso ko.

"So the bitch is home." Bakit nandito patong impaktang 'to? At sya pa talaga ang nagsalubong sa akin ha?

Buti sa gate lang ako hinatid ni Avria kung hindi ay talaga ng masasabunutan nya ang babaeng 'to!

"Bakit ka pa nandito?" Sabi nito.

"Wow? You really asking me that? Yaya ka lang dito remember? Angas mo ah!" Maarteng sabi nito.

"And oh, because you're asking why I'm here..." Itinaas nya ang kanyang kamay at pinakita sa akin ang singsing na suot nito.

"I'm getting married with...Yusef!" Sabi nito at napagalakhak pa.

"Honey!" Rinig kong boses na paparating.

"Oh nandyan na pala yan. Pumasok ka na at paghandaan mo kami ng makakain." Malamig na utos ni Yusef.

Mabilis akong pumasok sa loob bago pa nila makita ang luha ko. Sunod sunoran itong nalaglag sa pisngi ko tila ba ayaw ng tumigil, nakakainis!

Pinaglutuan ko sila at umakyat sa kwarto namin para magbihis pero nagtaka na lamang ako dahil wala ang damit ko dun.Isa lang nasa isip ko, baka tinapon na ito. Pero natuwa ako ng makita ko ang mga damit ko sa isang guest room. 

Okay na siguro tong nandito ako.Mabilis akong nagbihis at nagpahinga. Napagod kasi ako sa byahe kaya mabilis akong nakatulog.

Pero napaigik na lamang akong may humila sa buhok ko.

"Angas mo dito ah! Tulog ka lang ng tulog tas wala ka man lang ginawang trabaho. Bumangon ka dyan! Baka gusto mong lunurin kita sa mainit na tubig. Tayo!" Sabi nito habang hila hila ang buhok ko."Tama na..." Sambit ko.

Nandilim ang paningin ko at nakita ko na lang ang sarili kong sakal ang babae.

"Stop..." Sabi ng babae na nagmamakaawa. Pero mas diniinan ko pa ito.

"YOU BITCH! STOP!" Nanghina ako sa sigaw ni Yusef.

"What are you doing to my fiancé?!" Galit na sigaw nito sa akin habang dinaluhan ang babaeng ngayong bumabawi na ng hangin.

"Fiancè?" Ulit ko dito pero mahina lamang.So totoo pala ang sinabi ng babae nya?! Magpapakasal sila samantalang kasal pa kami?Walanghiya ka Yusef. 

Nakita ko na lamang silang dalawa papalabas ng guest room. Samantalang ako ay walang tigil na umiiyak.

Habang umiiyak ako ay bigla na lamang pumasok sa isip ko ang isang plano.


Papatayin ko ang babae nya...


To be continued

TWS#2: Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now