CHAPTER 21

9.5K 138 0
                                    

CHAPTER 21



Ilang linggo na ang lumipas pero hindi parin gumising si Louisse.



Sinabi na rin sa doctor sa akin na nasa coma si Louisse.



Ilang araw na akong walang matinong tulog dahil sa kababantay kay Louisse.



Pinabantay ko naman kila Bea si Louisha dahil hindi ko sya kayang alagaan dahil wala ako sa sarili minsan.



Lalaki akong tao pero tinatagan kk ang sarili kong hindi maiyak.



Lalo nat maalala ko ang namatay na anak namin.



Sobrang sakit! Pero wala na akong magawa dahil nangyari na iyon.


Ang kelangan ko munang isipin ay si Louisse na ngayon ay wala paring malay.



Hinawakan ko ang kamay nya, mahigpit.



"Gumising ka na." Sabi ko dito kahit di nya ako narinig.



"Gumising ka na, miss ka na ng anak natin. Miss na kita mahal." Sabi ko dito at pinigilang di maluha.


"Mahal na mahal kita." Sabi ko dito at hinalikan ang kanyang noo.



Pero nagulat na lamang ako ng bigla itong nanginig.



Sobrang bilis ng puso ko at maraming pumasok na nurse at doctor.



"Clear!" Sabi ng doctor.



Maingay na sa loob dahil sa ingay na din na tunog sa heartbeat nito na palinya na!



"Clear!" Sabi nito.



"Clear!



Isang alingawngaw ang napaluha ako. Isang nakakapagsak at nakakapiraso ng puso ang huling sambit ng doctor.




"Time of death. 10:56PM."



Napahagulhol ako.





-
To be continued

TWS#2: Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now