CHAPTER 19
[Yusef's POV]
Nang makabalik kami sa parking lot ay wala na miski anino ni Louisse.
Nag-alala na ako at hindi ako mapakali dahil nakakalat ang I ang dala nyang mga bag na may lamang pinamili namin.
Lumipas ang ilang oras at hindi parin ito nagpapamkita at hindi rin sinasagot ang tawag ko.
Kaya agad ko itong pinatrace sa isang kaibigan.
Mabilis namang binigay ang location kung nasaan ito at agad kong pinuntahan.
Tinawagan ko muli at sa pagkakataong ito ay sumagot na.
Nagtataka ako kung bakit sa abandonang bogahe ang napuntahan ko.
"Kalma ka boy! Papatayin ko pa ang asawa mo." Sabi nito ang malakas na tumawa.
"Wag mo syang sasaktan kundi ikaw ang papatayin ko!" Sigaw ko rito.
"Kung maabutan mo." Sabi nito at tinapos ang tawag.
Unti-unti kong binuksan ang pintuan.
Nakita kong nakatutok ang baril nito kay Louisse kaya agad ko itong binaril sa likod ang lalaki at bumagsak.
"Mamatay ka muna bago mamatay ang asawa ko."
"Louisse!" Sigaw ko at tumakbo para kalagan sya.
Niyakap ko sya ng mahigpit. Nabunutan ng tinik ang puso ko dahil ligtas sya pero dumudugo ang hita nya.
Isang malakas na putok ng baril ang napatigil sa pagyayakapan namin.
Namilog ang mata at napatingin kay Louisse na ngayon ay babagsak na at nawalan na ng malay.
Kumulo ang dugo ko sa galit at pinagbabaril ang lalaking nagbaril kay Louisse.
Buhay pa ang tangina!
Hindi ko sya tinigilan sa pagbabaril hanggang malagutan sya ng hininga.
"Louisse... Louisse!" Sigaw ko dito.
"Gumising ka! Wag... Wag mo akong iwan!" Pag-alog ko dito.
Ngunit hindi sya gumising.
Agad ako tumawag ng abulansya habang yakap ang katawan nya.
Narinig ko ang paparating na pulis at ambulansya.
Mabilis itong sinakay dito at pumunta sa hospital.
Hinigpitan ko ang yakap nito ng isugod sya sa emergency room.
"Di ka po pwede sa loob." Tumigil ako dahil hinarangan ako ng isang nurse.
Please Louisse, magpatatag ka...
To be continued