CHAPTER 13

12.8K 152 12
                                    

CHAPTER 13



"M-mahal mo ako?" Nagulat ako.



"Mahal na mahal." Sabi nya sabay higpit ng yakap sa akin.



"Patawarin mo ako." Sabi nya ulit.


"Pero..." Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko sya.



Oo mahal ko sya pero sapat na ang sakit nang nakaraan ko.



Hindi ko na kakayanin pang masaktan ulit baka ikamatay ko na.



"Bumalik ka na sa akin, kayo ng anak ko." Hindi ako sumagot bagkos ay napatulala lamang ako.



Hindi ko maisip na ganito ang mangyayari.



Hindi ko alam sasaya ba ako, malulungkot ba o magagalit.


Hindi ko alam! Ito na yong gusto ko e!



Ang mahalin ako ni Yusef ulit. Pero parang ayaw ko pa?



"Patunayan mo muna sa ang sarili mo sa akin Yusef. Masakit pa ang nakaraan ko." Sabi ko dito ay naiyak narin.



"Burahin mo ang kasalanan mo noon, burahin mo ang sakit sa puso ko. Burahin mo ang lahat nang masasakit na nakaraan ko." Paghingi ko ng tulong.



Hindi ko kayang iahon ang sarili ko.



"Patawad mahal." Pagpatawad nya ulit.



"Mangako ka, wag mo na akong sasaktan ulit. Mamamatay ako pagsinaktan mo pa ako ulit." Sabi ko dito.



"Hindi na...hindi na." Sabi nito.



"Mahal kita." Sabi ko dito kaya napatigil sya sa pag-iyak at tumingin sa akin.





To be continued

TWS#2: Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now