CHAPTER 22
[7 years later]
Lumabas na kami ng kotse ng anak kong si Louisha na labing tatlong taong gulang na at si Yushela apat na taong gulang.
"Is she not bad dad?" Tanong sa akin ng apat na taon kong anak.
Pero ang panganay ko ang sumagot.
"Of course she's not." Sabi ni Louisha sa kapatid at ngumiti.
"Well, I hope sho." Sabi nito at nabulol pa.
"Just be kind alright?" Sabi ko dito at tumango naman ang anak.
"Why she died dad?" Tanong ni Yushela.
Pero imbis sagutin ang anak ay lumuhod ako at nilinis ko ang puntod nito medyo marami rami na kasi ang dahon.
Nandito kami sa sementeryo at bisi bisita ang minahal namin.
Malungkot mang isipin pero lahat talaga ng bagay ay namamatay.
Pero wala tayong magawa dahil hindi natin nakokontrol ang buhay na'tin.
"Dad pleash, why she died ansher me pleash." Bulol na sabi ng anak.
"Nasagaan sya anak 2 years ago anak. Mabait na aso sya." Sabi ko sa anak.
"Oh sho shad." Sabi nito at ngumuso.
Napamahal narin sa amin si Whitey na aso namin. Nandito kami sa Pet Cemetery kung saan nilibing sya ng maayos.
"Pero nasa heaven na sya baby." Sambit ko kaya ngumiti na ito.
"Okay!" Sabi nito.
"Let's go dad, mommy surely bored in the car." Sabi ni Louisha.
Nagpaiwan na ang asawa ko sa kotse dahil malaki na ang tiyan nito at tamad nang maglakad.
Nang makabalik kami ay agad yumakap ang mga anak ko sa ina nila.
"We love you mommy!" Sabi ng mga anak ko.
"We love you daddy!"
"We love you too honey. Go to backseat now." Utos ko.
Binalingan ko nga asawa ko na ngayo'y nakangiti, binulungan nya ako ng I love you kaya namula naman ako. Kalalaking tao!
"I love you too Louisse Andrade- Montrago, and always be." Sabay halik dito.
-To be continued.