CHAPTER 14
Siguro nga ay isa talaga akong dakilang martyr. Madali ko syang tinanggap ulit sa buhay ko pati narin sa buhay ng anak ko.
Ayaw kong ipagkait ang pagiging ama naman sa anak ko. Kaya para sa anak ko at sa puso ko ay handa kong tanggapin sya ulit.
Kahit ilang beses na nya akong nasaktan. Pero ano nga ba ang pagmamahal kong hindi ka nasasaktan hindi ba?
Agad akong nagpunas ng luha habang tanaw ang anak ko at si Yusef na masayang naglalaro.
Ngumiti naman ako ng tumingin ang anak sa akin kaya napatingin din si Yusef sa akin.
Nataranta ako ng lumapit silang dalawa sa akin.
"What's wrong? Why are you crying?" Tanong ni Yusef.
Napatunayan na rin ni Yusef sa akin ang sarili nya.
Sa nagdaang dalawang buwan ay mas pinaparamdam nya sa akin na mahal nya ako. Mahal na mahal.
"Masaya lang ako." Sabi ko dito.
Hinalikan nya ang labi ko at ngumiti sya pagkatapos.
"Don't be sad okay?" Sabi nito kaya tumango ako.
Sana Yusef hindi mo na ako sasaktan pa. Sana...
To be continued