CHAPTER 6
Ilang oras ang lumipas nang marinig ko ang paparating na pulis. Kaya kinabahan ako!Maya-maya pa ay may pumasok na mga pulis dito.
"Anong ginagawa nyo dito?" Takot na tanong ko.
"You are under arrested for killing Ms. Kyla Persuwa." Nataranta akong napasandal sa bubong.
'Hindi ko sya pinatay!" Sigaw ko.
"Sa prisinto ka nalang magpaliwanag ma'am." Sabi ng isang pulis at pinusasan ang kamay ko.Nakita ko naman si Yusef sa labas ng pintuan.
"Please Yusef, hindi ko sya pinatay please! Nagmamakaawa ako sayo! Sabihin mo sa kanila na inosente ako!" Pagmamakaawa ko dito pero parang hindi nya ako naririnig dahil matalim na mata lang ang binigay sa akin.
"Dalhin nyo na ang babaeng yan." Sabi nito kaya dinala nila ako sa labas at pinasakay na sasakyan ng pulis.
-
Nang makarating kami sa prisinto ay nagmamakaawa ako hanggang sa dumating si Yusef.
"Yusef..." Galit na galit ang mata nitong tinutok sa akin.
"How dare you to kill my fiancé! Ano bang pumasok sa isip mo at nagawa mo yun ha?! Ikaw na pokpok ka! Anong gusto mo?! Ikaw ang pakasalan kong pokpok ka?! Naiinggit ka ba ha?!Natahimik ako at nanlaki ang mata sa sinabi nya. Tila ba minartilyo ang puso ko papiraso.
"Sumagot ka!" Sigaw nito.
"Oo! Naiinggit ako! Kasi alam mo ba?! Asawa mo ako e! Mahal kita kaya ko nagawa yon! Mahal kita Yusef! Pero ano? Mahal mo ba ako? O minahal mo ba talaga ako?! Potanginang buhay to Yusef! Pagod na pagod na akong maging martyr pagod na ako!"
Nadudurog na ang puso ko habang sumisigaw. Walang tigil ang luha ko."Ikaw sabihin mo sa akin Yusef! Mahal mo pa ba ako?! Minahal mo ba ako?! Sabihin mo! Kasi pagod na ako kakaisip kong ano ba talaga ang nagawa kong mali sayo! Di ko alam ko bakit mo ako sinasaktan..." Sigaw ko dito.
"Di ko alam kung bakit ganyan ka. Gumising nalang ako galing sa hospital at ganyan na ang trato mi sa akin! Ano bang kasalan ko! Yusef wala akong alam!" Sigaw ko ulit.
"Wag kang magsinungaling! Pagkatapos mong makipagsex sa lalaking iyon?! Ngayon sasabihin mong wala kang alam pokpok ka? Ha? Ngayon tatanungin mo ako kung mahal ba kita? Hindi!" Sigaw nito kaya napaluha ako sa sinabi nya. Nagpirapiraso ang puso kong marinig na hindi nya ako minahal.Mapait akong tumawa.
Hindi naman pala! Sayang lang ang pagiging martyr ko.
"Ikulong nyo na yan." Utos nya sa mga pulis.
Hindi na ako tumutol nang iginaya ako ng pulis sa loob.
To be continued