CHAPTER 16

10.3K 126 1
                                    

CHAPTER 16




Habang namamasyal kami sa mall ay parang may nararamdaman akong hindi maganda.



Para bang may sumusunod sa amin.



Pumasok kami sa Games World at pinanood ko silang masayang naglalaro sila ni Louisha.



Pagkatapos ay namili kami ng mga damit sa botique. Gusto sana akong bilhan ni Yusef pero tumanggi ako.



Marami-rami naman ang pinamili nya kay Louisha ang sabi nya sa akin pabayaan ko nalang daw sya dahil bumabawi sya sa anak namin kaya pumayag naman ako.



Mula sa damit, mga sapatos at mga laruan. Kompletong kompleto ito.



Kung ano ang gusto ng anak ay agad itong bibilhin.



Baka maging spoiled pa anak ko nito.



Nang matapos ang pamimili ay dumiritso na kami sa parking lot.



"Naiwan ko ang dalawang box sa Games World teka babalikan ko." Sabi ni Yusef.



"Sama ako daddy!" Sabi ng anak kaya kinarga nya ito.



Naiwan naman akong mag-isa sa parking lot.



Ilang minuto pa ay may biglang nagtakip ng panyo sa ilong ko at nawalan ng malay.





-
To be continued

TWS#2: Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now