Kabanata 3

1.7K 157 91
                                    

NATATAWA si Sam. Kahit anong klase ng paliwanag ang gawin ni Alira, buo na ang desisyon nitong tawagin siyang baliw. Hindi naman niya ito masisi dahil kung tutuusin, isang imposibleng bagay ang nais niyang mangyari. Sino nga namang maniniwala sa kaniya kung sasabihin niyang may alam siyang paraan upang mabuhay muli ang mga patay. Tiyak siyang katulad ng reaksyon ng kaniyang kaibigan, tatawanan lamang ulit siya ng iba. Aakalain lamang ng mga tao na baliw na siya dahil sa matinding pangungulila sa kaniyang Lolo Timo.


Isang paraan lang ang alam ni Alira upang mapaniwala ang kaniyang kaibigan. Dinala niya si Sam sa attic at hindi nagdalawang-isip na ipakita ang mga bagay na kaniyang natagpuan sa loob ng baul. Noong una ay hindi pa ito naniwala ngunit nang banggitin ni Alira ang mga kwentong madalas niyang naririnig noon mula kaniyang lolo ay unti-unti nang nagiging interesado si Samuel.


"So you mean, your Lolo really went to the world below?" tanong ni Sam habang tinitigan ang punyal na hawak nito.


"Sa tingin ko ay hindi malayong nangyari nga iyon. Tingnan mo ang lahat ng mga bagay na ito. Kahit saang lupalop ng mundong ginagalawan natin, wala tayong makikitang katulad nito. Maaaring nanggaling nga ang lahat ng ito sa ibang mundo."


Imbes na takot, nagningning ang mga mata ni Sam sa saya.


"Sobrang deep pala ng lolo mo. Omg, exciting 'to! So, kailan tayo aalis?"


Tumaas ang kilay ni Alira. "Tayo?"


"Oo no! Hindi naman kita hahayaang umalis mag-isa, Alira girl. Sama ako para friendship goals!"


"No, Sam! Umuwi ka na lang sa inyo."


Umismid siya. "No way! Sasama ako! Alam mo namang mahilig ako sa adventure."


Alanganing ngumiti si Alira. Pinanuod niya ang kaibigan habang pinaglalarauan ang pulang balabal at masayang sinuot nito sa kaniyang sarili. Sumasayaw pa ito at kumakanta sa tuwa. Sa ugali ni Sam, hindi siya sigurado kung isasama niya ba ito sa kaniyang paglalakbay. Kilala niya ang kaibigan. Sutil ito at sakit sa ulo. Ang ugaling iyon ang isa sa kaniyang mga nagustuhan rito ngunit hindi biro ang kaniyang pupuntahan. Batid ni Alira na hindi ito magiging madali.


"Kahit sumama ka man o hindi, wala pa ring kasiguraduhang makakapunta nga tayo sa lugar na iyon."


Napatigil siya sa kaniyang ginagawa.


"What? I thought naikwento na sa'yo ng lolo mo?"


Nagkibit-balikat ang dalaga. "Hindi niya nabanggit sa'kin kung nasaan ang lagusan pero may alam akong isang bagay na makakatulong sa'tin."


"Ano naman 'yon?"


Kinuha ni Alira ang isang makapal na libro na nakapatong sa isang upuan at inabot sa kasama. Tulad niya, hindi rin maitago ng kaniyang kaibigan ang pagkamangha nang makita iyon.


"Catharsis!" basa nito sa nakasulat. "Taray, pang-out of this world talaga!"


Wanderers Of The World BelowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon