Kabanata 31

768 105 16
                                    

WALA sa sariling ngumingiti-ngiti si Samuel. Pakiramdam niya nasa ulap siya ngayon dahil sa labis na tuwa at sarap. Iba ang dulot sa kaniya ng ginawa nila ni Gnowie. Naglaho ng parang bula ang lahat ng kaniyang problema at ang gusto niya lamang isipin ngayon ay ang katotoohanang natapos na rin nila sa wakas ang dapat nilang gawin upang magkaroon ng anak.


Hindi tuloy niyang mapigilang ngumiti habang nakatitig sa babaeng katabi niya ngayon. Katulad niya, wala ring pagsidlan ng tuwa ang babae habang hinahaplos nito ang tiyan niyang kasinglaki na ng isang siyam na buwang buntis. Hindi pa rin siya makapaniwalang ganito lang pala kadaling mabuntis ang mga mangkukulam. Wala silang kakaibang ginawa kundi ang umupo sa malaking kawa na dinasalan naman ni Gnowie ng kakaibang salita ang tubig at doon sila naghalikan ng matagal. Sobrang tagal na halos nagkasugat-sugat na ang nguso niya dahil hindi nila pwedeng putulin ang halik hanggang sa hindi pa lumulubo nang tuluyan ang tiyan ng babae.


Habang iniisip niya iyon ngayon, medyo kakaiba nga siguro ang ginawa nila. Kunsabay, ano nga bang normal sa mundong ito?


"Gusto mo bang hawakan ang aking tiyan?"


Natauhan siya nang biglang nagsalita si Gnowie. Ngumiti lamang siya at lumapit rito. Ginaya ni Samuel ang ginagawa ng babae at hinaplos ang tiyan ng kaniyang asawa.


"Hindi naman siguro chanak ang laman nito, 'di ba?" pabirong tanong ni Sam.


"Ch-chanak?" tanong ng babae.


"Halimaw ganoon."


"Bakit naman tayo magkakaanak ng halimaw?"


"Kunsabagay, magaganda ang lahi namin kaya imposibleng halimaw ang anak ko."


Lalong inilapit ni Samuel ang kaniyang mukha sa umpok ng tiyan ng asawa niya. Itinapat niya ang kaniyang tenga rito at pagkuwa'y pinakinggan ang nilalang na nasa loob. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maramdaman niyang gumalaw ito.


"Omg! Omg! Buhay siya! Ang galing! Paano siya nabuo sa simpleng halikan lang natin?"


Napakurap si Gnowie. Biglang bumalik sa alaala niya ang eksenang ginawa nila kanina. Unang halik niya iyon sa isang lalaki kaya't imposibleng makalimutan niya kaagad. Napatingin siya sa labi ng binata. Gusto niyang ulitin ang ginawa nila. Tumikhim siya at biglang naasiwa sa sitwasyon.


"Ganoon talaga kasi ang paraan na dapat gawin upang mabuntis ang isang mangkukulam na ikinasal sa pamamagitan ng ritwal ng lagertha."


"Lagertha? You mean, 'yong tinatapon ka sa tubig?"


"Oo, kaya't mabuti na lamang talaga na iniligtas mo ako."


Natigilan si Samuel. Ang totoo nga ay nagsisisi siya kung bakit niya ginawa iyon. Akala niya kasi madadagdagan ang tingin niya sa sarili niya kapag may kabutihan siyang ginawa ngunit nalagay lamang ang kanilang mga buhay sa alanganin.


Bumuntong hininga siya upang alisin ang mga agam-agam sa sarili. Pumalakpak pa si Samuel nang makaisip siya ng magandang gawin.

Wanderers Of The World BelowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon