SA pagsikat ng araw, agad na nagpaalam ang anim na magkakaibigan sa isa't isa. Pinangunahan ni Eujin ang paglalakbay patungong Andada habang bumaba naman ang grupo nina Harith sa ilog na pinaghulugan ni Alira. Nakasukbit ang lahat ng mga naiwang gamit ni Alira sa balikat ng binata. Walang kahit anong iniwan si Harith na pagmamay-ari ni Alira dahil alam niyang hahanapin niya ang mga ito oras na magkita sila, na siyang ipinagdadasal niyang mangyari.
Hirap pang makalakad si Leiter dahil sa pamamaga ng kaniyang kaliwang paa na hanggang ngayon ay hindi pa rin humupa sa sakit. Nakakita sila ng mga gamot sa mga gamit ni Alira kagabi kaya't nakatulong ito upang hindi lumala ang iniinda niya.
Ang dati'y maingay na si Sam ay tahimik pa rin simula kagabi. Sariwa pa rin sa kaniyang mga alaala ang nangyari kay Alira. Nasaksihan niya kung paano ito nawala, kung paano ito nahulog sa ilog, ngunit wala siyang ginawa upang iligtas ang kaibigan niya kaya't hindi mapapanatag ang kaniyang loob hangga't hindi niya natatagpuang muli ang babae. Buhay man ito o isa na lamang malamig na bangkay.
Tinahak ng grupo nila ang daang pababa ng talampas, lumusot sa isang gubat at pinagdaanan ang naglalakihang bato hanggang sa natunton ng tatlo ang maingay na ilog.
"Nandito na tayo,"sambit ni Harith.
Tumingala siya at nakita ang eksaktong lugar na pinaghulugan ni Alira mula sa talampas."
"We're here na nga," kumpirma ni Sam habang nakatingin sa malayo. "Look Papa Harith, 'yan 'yong chaka one-eye halimaw na umatake sa'tin yesterday."
Sinundan ng dalawa ang tinitingnan ni Sam at isang patay na katawan ng halimaw ang tumambad sa kanila na palutang-lutang sa mababaw na bahagi ng ilog.
"Mukhang iyan nga 'yon," sang-ayon ni Leiter.
Umusbong ang matinding kuryusidad ni Harith at humakbang upang lapitan ito. Nanlaki naman ang mata ni Sam sa ginawa niya.
"Wait! Papa Harith! Baka buhay na pa 'yan!"
Kumuha ng isang sanga ang binata at pinalo ito sa katawan ng halimaw. Nakumpirma nilang patay na nga ito nang hindi na ito gumagalaw.
"It's dead. You two come down here and check the surroundings."
Sumunod sina Leiter at Sam sa ibaba at sinimulang maghanap sa paligid. Hinawi nila ang nagtataasang damo sa gilid ng ilog, nagbabakasaling napadpad lang din sa tabi ang taong hinahanap nila. Natapos ang ilang sandali ngunit wala silang nakita.
"I don't see her anywhere. Baka tinanggay na rin ng malakas na agos ng tubig ang katawan niya," hinuha ni Leiter.
Lumabas si Sam sa gilid ng mga halamanan at pinagpagan ang suot niya.
"Same here, Papa Harith! Nag-explore na ako sa mga grasses at rocks pero wala akong nakita."
Napabuntong hininga si Sam. Sandali siyang natigilan nang may maalala siyang bagay. Ang punyal, nasaksak ni Alira ang halimaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/228365588-288-k552241.jpg)
BINABASA MO ANG
Wanderers Of The World Below
FantasySeven teenagers travelled down to the underworld for a wish to bring back the life of their loved ones. Unknown to them, there are strange creatures, peculiar things and dangers lurking in each corners of the hidden world of Catharsis. Will they ab...