Kabanata 39

697 99 28
                                    

NAGPANTIG ang tenga ni Ciara nang marinig ang mga salitang hindi niya inaasahang sasabihin ng isang bathalang katulad ni Zabini. Gusto niya sanang isipin na nagbibiro lang ito ngunit hindi kakikitaan ng bahid ng pagbibiro ang mukha ng babae. Naikuyom niya ang kaniyang kamay habang tinitingnan ito ng masama.


"Pumatay ng isang buhay? Alam mo ba kung anong sinasabi mo?" gigil na tanong niya rito.


Dahan-dahag tumango ang babae at ngumiti na para bang isang maliit lamang na bagay ang kaniyang hinihingi.


"Kung gusto niyong mabuhay muli ang isang patay, kailangan niyong pumatay ng isang buhay."


"Anong sinasabi mo, Zabini?" usal ni Philip na hanggang ngayon ay pinipigilan pa rin ang sarili na magalit. Ngunit hindi na niya yata kayang tiisin pa ito kung magpapatuloy ang babae sa kaniyang maasim na ugali. Kahit babae pa ito, wala siyang pakialam. Gusto niyang lapitan ito ngayon at suntukin sa mukha.


"Kailangan ninyong magsakripisyo ng buhay kapalit ng buhay na hinihingi niyo. Hindi makakaalis ang kaluluwa ng isang tao mula sa bangkang sinasakyan nito kung walang papalit sa kaniya," paliwanag ng bathala.


"Ang ibig mong sabihin—"


"Ibig sabihin ay kailangan niyong isuko ang inyong mga buhay para mabuhay ulit ang kaluluwang ng taong namatay na."


Umigting ang paa ni Euijin sa narinig "Baliw ka na ba talaga? Sa tingin mo ba ay gagawin namin 'yon? Ano pang silbi ng muling pagkabuhay ng mga mahal namin kung kami naman itong mamamatay?"


Umangat ang sulok ng labi ng babae na siyang pinagtataka niya.


"Matalino ka, taong ligaw. Ngunit, huwag kayong mag-alala sapagkat hindi lang naman iyon ang maaari ninyong gawin. May isa pa namang paraan upang maisakatuparan ang gusto niyo. Kung hindi niyo maaatim na isakripisyo ang inyong mga sarili, maaari naman kayong humanap ng ibang katawan na isasakripisyo at magiging kapalit ng kaluluwang nais niyong makasama mula sa kabilang buhay."


"A-Ano?"


"Sa paaraang iyon, hindi lamang ang sarili niyo ang inyong maliligtas kundi makakasama niyo rin ang mga taong mahal niyo nang walang kahirap-hirap at makakabalik na kayo sa inyong mundo nang buhay."


Sunod-sunod akong umiling si Ciara. Hindi niya gusto ang ideyang inilalahad ng babae. Nililinlang sila nito.


"We won't do that. Wala kaming kahit na anong susundin sa lahat ng mga sinabi mo. Aaminin kong desperado na nga kaming lahat ngunit hindi kami gagamit ng ibang tao para lang makuha ang gusto namin."

Wanderers Of The World BelowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon