Kabanata 2

1.6K 65 2
                                    

Kabanata 2

“I-I am..” huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko.

“I am/She’s a Social Class.”mabilis akong napamulat ng mata nang marinig ko iyon.

It was Hades. Nakatingin siya sa akin at tila sinasabing sakyan ko ang sinabi niya.

“She’s a Social Class. I already asked her earlier.” patuloy niya. Napatingin ako kay Steel na nawala ang ngisi. Blangko na ang mukha niya at nakatingin lang sa akin.

Naniwala kaya siya?’ tanong ko sa isip ko.

“You can now have your seat.” Sabi ng teacher. Tila nakahinga ako ng maluwag.

Naglakad ako sa bakanteng upuan at iyon ay ang katabing upuan ni Steel.

“Social Class huh.” bulong nito nang makaupo na ako.

“M-May problema ba doon?” nagmamatapang na tanong ko.

“Problema? Walang problema….” anito na sadyang ibinitin ang sinasabi niya. “Pero gagawa ako ng problema. By the way I am Steel Xerxes Montessori. Son of the owner of Montessori High. Welcome to my kingdom.” anito sa seryosong tinig.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. He is the Son of Mr. Montessori! Should I die now?!

****

Lunch. Mabilis akong lumabas ng room dahil ayokong makasabay si Steel. He makes me nervous. Sa buong durasyon ng klase ay malakas ang kabog ng dibdib ko. Ramdam ko ang tingin niya sa akin and its uncomfortable.

“Katniss.” tawag sa akin mula sa likod ko. Mabilis akong lumingon. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang babae.

“Ikaw ba ang tumawag sa akin?” tanong ko.

Tumango naman siya sa akin.

Mahaba ang buhok niya na umabot hanggang bewang. May suot siyang makapal na salamin at may braces sa ngipin. May hawak siyang dalawang makapal na libro. A typical nerd.

‘A beautiful mind.’ iyon ang title ng nasa libro. Akala ko ay academic books ang hawak niya but it seems isa iyong fictional book.

“Bakit kilala mo ako?” takang tanong ko sa kanya.

“I over heard it.” anito na inayos ang salamin sa mata.

Lumapit siya sa akin at bumulong. “I know your secret. Kapag nalaman ni Steel na scholar ka it will be a hell.” sabi nito bago ako lagpasan.

Natigilan ako. Nakikinig ba siya sa amin ni Hades kanina? Bigla akong kinabahan. Paano kung sabihin niyang scholar ako?

Mali ba na nagsinungaling ako? Paano kung malaman nga ni Steel na Scholar ako? What will he do to me?

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko. Hindi ko muna dapat isipin iyon.

Lumakad na ako patungong canteen. Pagdating ko doon ay kaagad na akong umorder ng pagkain ko. Naghahanap na ako ng pwesto nang maagaw ang atensyon ko sa isang partikular na lugar. Bigla akong napahinto.

I don’t know what happen pero basa ang uniform ni Steel.

Malapit lang ako sa kanila kaya kita ko ang inis sa mukha ni Steel.

“I-I’m s-sorry. S-Sorry. H-Hindi ko sinasadya.” wika ng babaeng kausap ko kanina.

“Its alright Miss Jimenez.” sabi ni Steel na tinignan lang ang babae. Lumakad siya malapit sa mesa na kinatatayuan ng babae at ngumiti and that smile is weird. “You really know how to piss me off Miss Angela Jimenez.”

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon