Kabanata 13

1.1K 56 6
                                        

Kabanata 13

Hindi pinansin ni Steel ang sinabi ni Hades bagkus ay inilapit niya pa sa akin ang tray ng pagkain na nasa harapan ko.

"Eat." aniya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Hades.

"May pagkain na siya steel." wika ni Hades bago inilayo ang tray ng pagkain na bigay ni Steel at ilagay ang tray ng pagkain na hawak niya.

Malakas na ibinagsak ni Steel ang hawak niyang kutsara na ikinagulat naming lahat.

"Dont test my temper Hades." babala ni Steel na ngayon ay mas lalong sumeryoso ang mukha.

"I am not testing your temper Steel. Katniss is with me. She agreed to have lunc-."

"I dont fucking care!" sigaw ni Steel na ngayon ay marahas na napatayo kaya natumba ang inuupuan niya kanina lang. Napalunok ako at mabilis na kumabog ang dibdib ko.

Kunot noo niyang hinarap si Hades na ngayon ay kalmadong-kalmado.

"You really know how to pissed me off, dont you?" wika ni Steel.

Bago pa makasagot si Hades ay tumayo na ako kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Pwede bang tumahimik na kayo. Sa inyo na ang mga pagkain niyo!" may halong kaba at inis na wika ko bago ko sila lagpasan. I hate attention and they're creating a scene that caught everyone's attention. Naiinis ako dahil ginagamit nila ako para magpalamangan. Naiinis ako dahil hindi ko maintindihan ang sarili!

Nilagpasan ko din si Zia na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

Paglabas ko ng Canteen ay huminga ako ng malalim at nagpunta sa may open field kung saan ako madalas tumambay. Pagdating ko doon ay umupo ako sa may lilim ng puno at sinandal ko ang likod ko sa katawan nito bago pumikit.

Hindi ko alam kung ilang sandali akong nakaupo doon bago ko naramdaman na may umupo sa tabi ko. Kahit hindi ako dumilat ay alam ko kung sino ito. I can smell his scent.

"Take your lunch." aniya bago ko naramdaman ang paglapag niya ng kung ano sa may hita ko.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko at parang may nagrambulan sa sikmura.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko bago ko iminulat ang mga mata ko.

Unang bumungad sa akin ang pagkain na nakastyro at ang sandwhich na nakabalot pa.

Napalingon ako sa kanya at takang tinignan siya.

"Para saan to?" tanong ko na inignora ang kaba sa may dibdib ko.

"Your lunch." tipid na wika niya.

"Bakit binibigyan mo ako ng ganito?" kunot noong tanong ko ulit.

"I told you Maristella. I like you." aniya kaya parang tumriple ang kaba sa dibdib ko.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

"H-Huwag mo akong gamitin para lang inisin si Hades. I know that you are not in good terms and using me to piss him off is not a good idea." wika ko bago ko ibalik sa kanya ang mga pagkaing dala niya.

Muli niyang inilagay ang pagkain sa hita ko kaya medyo nainis na ako.

"I dont care about him Katniss. Just eat your lunch." aniya na ngayon ay mas lalong sumeryoso ang mukha at tila ba hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Huminga ako ng malalim. At pilit na inalis ang kaba sa dibdib ko.

"Hindi ako gutom." sagot ko na lang at akmang ibabalik ang mga pagkain sa kanya pero pinigilan niya ako at kunot noong nagsalita.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon