Kabanata 6

1.1K 58 5
                                    

Kabanata 6

Mabilis na natapos ang pang umagang Klase nang hindi pumapasok si Steel. Good thing dahil hindi ko na siya nakita mula kaninang umaga. Nasa dibdib ko pa din ang kaba ngunit pilit ko iyong inaalis sa isip ko.

Mabilis akong lumabas sa room at tumungo sa may Canteen. Pumila ako doon at kumuha nang pagkain.  Maghahanap na sana ako ng mesa ngunit nagulat ako nang may bumangga sa akin mula sa likod kaya napatid ako at napasubsob sa sahig kasabay ng pagkabasag ng platong hawak ko.

"Oops Sorry."

Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Marga  na may ngisi sa labi habang nakatingin sa akin.

I know sinadya niya iyon. Huminga na lang ako ng malalim at akmang tatayo ngunit naramdaman ko ang pagkirot ng palad ko.

Nang iangat ko ang palad ko ay doon ko nakita ang bubog na mula sa nabasag na plato na natarak sa palad ko. Maliit lang iyon pero sapat na upang magdugo ang palad ko.

Mariin akong napapikit bago iyon hinila paalis sa palad ko.

"Paharang -harang ka kasi. Next time know your place para hindi ka nasasaktan." wika ni Marga bago nakangiting umalis sa harapan ko.

Dinig ko din ang mahinang tawa at bulungan ng mga estudyante kaya mas lalo akong napapikit.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at dahan-dahang tumayo. Masakit pa rin ang tuhod ko dahil sa pagkakadapa ko kaninang umaga pero mas lalo ata itong sumakit.

Ininda ko ang sakit at dahan dahang pinulot ang mga bubog at ang nagkalat na pagkain. Hindi ako umiyak kahit na masakit na. Hindi ako iiyak sa harapan nila.

Napaangat ang tingin ko nang may pares ng sapatos ang huminto sa harapan ko.

Sa pananahimik palang ng mga estudyante ay parang kilala ko na ang taong nakatayo ngayon sa harapan ko.

"Stand up." wika niya sa seryosong tinig ngunit hindi ako sumunod. Pinagpatuloy ko ang pagpulot ng mga bubog ngunit bago ko pa nagawa yon ay nahawakan na niya ang braso ko at nahila patayo.

Hindi ako sumagot at hindi ko binuka ang labi ko. Baka sa oras na gawin ko yon ay bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Stupid kitten." bulong niya bago ako hilahin paalis. Hindi na ako tumutol dahil wala na akong lakas. Wala na akong lakas para makipag away.

Matapos ang ilang sandaling paglalakad ay natagpuan ko na patungo na kami sa may clinic. Walang sabi-sabing binuksan niya iyon at dumiretso sa may Cr at binuksan ang gripo.

Mabuti na lang at wala ang nurse.

Inilapit niya ang kamay ko sa may gripo at hinayaang umagos ang tubig doon kasabay ang dugo.

"Kapag sa akin ay ang tapang mo pero bakit sa kanila hindi mo magawang lumaban?" nagulat ako dahil sa malumay na tinig ang ginamit niya. Wala ang panunuya at ang pagbabanta.

Hindi ako sumagot at tinignan lang ang pag-agos ng tubig sa may palad ko.

Pinatay niya ang gripo at muli akong hinila sa may kama at iniupo doon. Sandali siyang tumalikod at naghanap ng mga gamit sa may drawer.

Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya at nanatiling tahimik.

Ano ba ang ginagawa niya? Kaninang umaga ay siya ang dahilan kung bakit ako nasugatan pero ngayon heto siya at siya mismo ang gumagamot ng sugat ko.

"Why are you doing this?" tanong ko sa kanya pagbalik niya sa harap ko. Hindi ko mapigilang hindi magtanong. Kaduda-duda ang ginagawa niya ngayon.

Tumaas ang kilay niya bago kinuha ang palad ko at dantayan iyon ng bulak na may alcohol. Akmang hihilahin ko ang kamay ko dahil sa hapdi ngunit hindi niya iyon binitawan.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon