Kabanata 10

1K 65 9
                                    

Kabanata 10

Friday.

Sa buong linggo ay hindi ako kinakausap ni Steel. Mabuti na rin iyon dahil sa nakalipas na araw ay tahimik ang buhay ko dito sa Montessori. May iilan na nagpaparinig sa akin kagaya ng Grupo ni Marga pero hanggang doon lang.

Naguguluhan pa rin ako kung bakit hindi sinasabi ni Steel kung ano ang estado ko sa buhay. Pakiramdam ko ay anumang sandali ay may papatid sa akin at bigla na lang mananabunot.

Napailing ako sa naisip ko. Napapraning na ako.

"Miss Maristella can you please come with me in the faculty?" wika ni Miss Bernardo. Nasa room kami ngayon at naghihintay ng next subject nang sumilip sa pinto si Miss Bernardo.

Napatayo nalang ako at sumunod sa kanya papuntang faculty.

"Ma'am." umpisa ko ng makita siya na nakaupo na sa may station niya.

"Miss Maristella, almost one month ka na dito sa Montessori pero hindi ka pa rin nag susuot ng proper uniform. Hindi lang pinapasabi ni Mr. Montgomery ang status mo kaya naman kinakausap kita ng personal ngayon. I hope on monday ay naka uniform ka na."mahabang wika niya kaya napatango ako. I can sense on her tone and the way she look at me that she dont like me.

Hindi na lang ako nagsalita.

I already had the uniform. Noong isang araw pa dumating iyon. Binili iyon ni Papa at iniwan sa kwarto ko. Sinabi ko na sa kanya na ako na ang bibili ng uniform pero inunahan niya ako.

Uniform palang ang mahal na pero mukhang wala akong choice kung hindi gamitin na iyon.

"Here, take this." wika ni Miss Bernardo sabay abot sa akin ng maliit na kahon. "That will be your name tag. You may go now." wika niya kaya inabot ko iyon at nagpasalamat bago umalis.

Dumiretso ako sa locker at nilagay doon ang name tag. Akmang babalik na ako sa room namin ng makita ko si Steel na nakasandal sa may locker.

Hindi siya nakatingin sa akin at direto lang ang tingin niya sa may pader. Hindi ko na siya pinansin at aalis na sana pero saktong pagdaan ko sa harapan niya ay bigla siyang nagsalita.

"Are you going to the coffeeshop tomorrow?" biglang tanong niya kaya medyo nagulat pa ako.

Mabilis kong hinamig ang sarili ko.

"Its not your business to know." sagot ko at akmang didiretso na paalis pero muli siyang nagsalita.

"Its my business. You're my employee, Maristella." seryosong wika niya.

Huminga ako ng malalim at tinignan siya. Sa ilang araw ay hindi na niya ako pinapansin pero bakit ngayon ay nagsisimula na naman siya?

"P-Papasok ako." mahinang wika ko at iniwas ang tingin sa kanya. Bigla kasing kumabog ang dibdib ko ng magtama ang mga paningin namin.

"Good." aniya bago naunang umalis kaya napahinga ako ng malalim. Mabilis akong bumalik sa room at ganon na lang ang gulat ko ng makita sina Marga na ngayon ay pinagpapasa-pasahan ang bag ko.

"Hahaha! Ibato mo sa akin!" dinig ko pang wika ni Kim.

Mabilis akong lumapit sa kanila at kinuha ang bag ko.

"Ano bang ginagawa niyo?!" nandoon ang galit at inis na tanong ko sa kanila. Spoiled rich kids!

"Oh you're here hahaha! Were just having fun." wika ni Marga na ngayon ay nakangisi sa akin.

"Kung gusto niyong magkatuwaan huwag niyong idamay ang mga gamit ko." inis na wika ko at akmang tatalikod pero hinarang ako ni Kim.

"Not so fast." wika niya at ngumisi pa sa akin.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon