Kabanata 14

1.6K 78 22
                                    

Kabanata 14

"Hey wake up Katniss." wika ng boses na pamilyar na pamilyar sa akin. Marahan niyang tinatapik ang pisngi ko na tila ba talagang ginigising ako.

I can hear him but I cant open my eyes. Parang may nakadagan na mabigat sa dibdib ko.

Ang sunod kong naramdaman ay ang paglapat ng malambot na bagay sa labi ko at ang hangin na ibinibigay non sa akin. Mabilis lang iyon at kasunod non ay ang pagdiin ng dalawang kamay sa may dibdib ko.

Para akong nasamid at naging sunod-sunod ang pag ubo hanggang mailabas ko ang nainom kong tubig.

"Katniss can you hear me?" may pag aalalang wika ng tinig bago marahang iangat ang ulo ko.

Sa nanlalabong paningin ay nakita ko ang nag aalala niyang mukha. If I am not on this situation baka isipin ko pa na peke ang pag aalala niya pero hindi. Dahil kita ko sa mga mata niya na talagang nag aalala siya.

"Katniss say anything. Can you hear me?" tanong niya ulit kaya pinilit kong tumango. Nanghihina pa ako at pakiramdam ko ay kung tatayo ako ngayon ay babagsak din ako kaagad.

Nagulat pa ako nang bigla niya akong buhatin. Akmang magpoprotesta ako pero muli siyang nagsalita.

"Stay still." aniya habang kunot na kunot ang noo.

Hinayaan ko na lang siya dahil parang  nanlalambot pa ang mga tuhod ko dahil sa nangyari.

Alam ko na pinagtitinginan na kami ng mga estudyante kaya isiniksik ko na lang ang ulo ko sa may dibdib niya upang itago ang mukha ko. I hate this attention!

Nang makarating kami sa clinic ay mabilis na nagtanong ang nurse kung ano ang nangyari. Binigyan niya ako ng bathrobe na ipinatong ko lang sa basa kong damit bago siya nagsagawa ng ilang test bago kami iwan.

Tinignan ko si Steel na hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang mukha. Basa pa rin ang damit niya habang hawak ang bathrobe na ibinigay sa kanya.

"O-Okay na ako. Iwan mo na ako dito para makapagpalit ka na-."

"Bakit nasa pool ka? What happened?" tanong niya kaya natigilan ako.

Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa mata. Nakikita ko ang concern sa mata niya at alam ko na totoo yon. You cannot fake concern."Iwan mo na ako dito." iwas ko sa tanong niya.

Ayokong sagutin ang tanong niya dahil gusto ko mismo na ako ang kumausap sa taong nagtulak sa akin sa pool. Kung malalaman niya na itinulak ako ay baka mas mauna pa siyang kauspin iyon kaysa sa akin. At sa itsura niya ngayon ay parang ganon nga ang mangyayari.

"Tell me Katniss. Bakit nandoon ka sa pool? Wag mong sabihing aksidente ang nangyari dahil hindi ka mahu-."

"Pwede bang lumabas ka na lang muna." putol ko sa sasabihin niya. Pilit kong kinokontrol ang inis ko dahil sa pangungulit niya.

"Damn it Katniss! I am asking you! You almost died! Paano kung hindi kita agad nasundan?!" mataas ang boses na wika niya kaya mabilis ding nag init ang ulo ko.

"Bakit naninigaw ka?! Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako! Kung hindi naman dahil sayo ay hindi naman ako pagtitripan ng mga estudyante! Ang alam ko lang ngayon ay ikaw ang may kasalanan ng lahat. Tinulak ako ng kung kung sino dahil sayo!" ganting sigaw ko din. Parang nanumbalik ang lakas ko at nagawa kong sigawan siya dahil sa inis.

Ang babaeng nanulak sa akin ay kilalang-kilala ko. I know her. At alam ko na dahil kay Steel kaya niya ako tinulak!

Natahimik si Steel at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon