Kabanata 8

1K 63 13
                                    

Kabanata 8

"Katniss Maristella from now on you are Steel Xerxes Property its already sealed."

Mabilis na dumapo ang kamay ko sa pisngi niya matapos niyang sabihin iyon.

Malakas ang tibok ng puso ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ramdam ko ang pamamanhid ng kamay ko at kita naman sa mukha niya ang pamumula dahil sa lakas ng pagkakasampal ko.

Tumingin siya sa akin at pinalobo ang pisngi niya gamit ang kanyang dila at bahagya pang hinawakan ang namumula niyang pisngi.

"You slapped me." aniya na ngayon ay para bang natuwa pa siya sa ginawa ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Galit, inis at kaba. Bakit ba ako kinakabahan? Dapat ay galit lang ang mararamdaman ko dahil sa paghalik niya sa akin!

"You deserve it." pilit kong kinalma nag sarili ko. Hindi ito ang oras para matakot ako. He deserves it!

"Alam mo ba na ito ang unang beses na nasampal ako?"he said as a matter of fact.

"I dont care! Wag ka ng pupunta dito! Kung gusto mo akong ibully then do it inside the school! Huwag mo na akong guguluhin dito! Kung bored na bored ka na ay kumuha ka ng ibang laruan mo, wag ako dahil hindi ako nakikipag laro sayo!" may diing wika ko bago ko siya lagpasan.

Mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ko at para bang bibigay na ang mga tuhod ko ngunit pinilit kong muling pumasok sa coffee shop. Mabilis akong tumungo sa storage room kahit na naririnig ko ang pagtawag sa akin nina Shara at Rod.

Pagkasara ng pinto ay parang biglang nawala ang lakas ko at napaupo ako sa sahig.

Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko at ang pagrarambulan ng mga pado-paro sa tiyan ko.

"Damn that jerk!" bulong ko habang nakahawak sa labi ko. Parang replay na paulit-ulit na naglaro sa utak ko ang pagkakalapat ng mga labi namin.

"Katniss buksan mo ang pinto." mula sa labas ay dinig kong wika ni Shara habang kinakatok ang pinto.

Kahit nanghihina pa ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo at buksan ang pinto.

"Anong nangyari?" bungad sa akin ni Shara.

I can sense the concern on her voice. Kahit na masungit siya ay alam ko naman mabait siya. She's not showy though.

"W-Wala." maikling sagot ko. Ayokong idamay sila sa kung anong meron kami ni Steel. Ayoko silang madamay lalo na at sinabi niya kanina na isa siya sa may ari ng coffeeshop na ito.

Napakuyom ang kamao ko dahil doon. Ibig sabihin lang non ay lagi ko pa rin siyang makikita dito. At ang ikinakabahala ko ay kung anong gagawin niya kapag nalaman niya na scholar ako.

"Shara, Katniss tawag tayo ni Boss sa opisina niya." wika ni Rod na kadarating lang bago muling tumalikod sa amin.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko.

***

Pagdating namin sa Opisna ng Manager ay nakita namin doon si Steel na prenteng nakaupo at nakapatong ang dalawang paa sa may center table.

'Walang-modo.'

Lihim akong napairap kahit na may halong kaba sa dibdib ko.

"Mabuti at nandito na kayo. Mabilis lang ito dahil alam kong may mga customers pa tayo." wika ng manager namin habang nakatayo sa harapan.

"This is Steel Xerxes Montessori. He is the co-owner of this coffee shop so please be good to him." pakilala niya kay Steel na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin kaya naman kumuyom ang mga kamao ko.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon