Kabanata 11

1K 53 4
                                    

Kabanata 11

Pagpasok ko pa lang sa coffeeshop ay kaagad kong nakita doon si Steel. Nakaupo siya sa sulok at nakatingin sa akin.

Hindi ko siya pinansin at mabilis na pumunta sa may locker area para magpalit ng damit.

"Buti nandito ka na. Kanina pa nandyan yung mayabang na lalaki." wika ni Shara habang nag aayos ng locker.

"Hayaan mo siya."  sagot ko at nagpatuloy sa pagbibihis. Matapos kong magbihis ay kaagad akong pumunta sa may counter at pinalitan si Shara doon.

"Goodmorning Ma'am." bati ko sa babaeng kakapasok lang at ngayon ay nasa counter para magplace ng order.

"One cheese cake and One Frappe." order ng babae kaya nginitian ko siya.

"One cheese cake and one frappe!" malakas na wika ko.

"On it!" sigaw ni Rod na siyang nahahanda ng mga orders.

Binigyan ko ng number ang customer at sinabihan kong mahintay muna sa table niya. Ilang sandali pa ay sunod-sunod na ang mga nag oorder kaya mas naging busy kami.

Mag aalas dose na ng makipagpalit ako sa iba naming katrabaho para maglunch. Isang oras ang break na ito kaya naman nagpasya akong lumabas at kumain na lang sa suki kong karinderya na malapit sa coffee shop.

Nasa labas na ako ng mahagip ng mata ko si Steel na nakasunod sa akin kaya mabilis akong napahinto. Kunot noo ko siyang nilingon.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Its your lunch right? I'm coming with you." aniya na para bang magkaibigan na kami kung umasta siya.

"Hanggang sa pagkain ko ba susundan mo pa ako?" may halong inis na tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya bago sumagot. "Why not?" pabalewalang wika niya.

Inis na tinalikuran ko siya. Mukhang wala lang sa kanya kung mainis ako o magalit kaya wala ding patitinguhan kung makikipag argumento pa ako sa kanya.

Pagdating namin sa karinderya ay nakita ko kung paano niya suriin ang lugar. Mukhang ngayon lang siya nakarating sa ganitong kainan.

Umupo ako sa isang mesa na nandoon kaya sumunod siya sa akin at naupo sa harapan ko.

"We can go to different place. On fast food or restaurant." aniya na mukhang naasiwa sa lugar.

Tss. Rich kid kasi.

Hindi ko siya sinagot at inis na tumayo ako at lumipat ng mesa ngunit gumaya siya sa akin.

"Ano ba?! Pwede bang sa ibang mesa ka maupo?" wika ko at sinamaan siya ng tingin.

"We know each other so theres no need to have separate table." aniya at bahagya pang sumandal sa upuan at nagmasid sa paligid.

Napailing na lang ako at napahinga ng malalim. Wala ding kwenta kung lilipat ulit ako ng upuan.

"Manang may Kaldereta po ba kayo?" tanong ko sa matanda na ngayon ay naglalapag ng tubig sa mesa namin.

"Oo Neng. Buti at napasyal ka ulit dito. Masarap ang pagkakaluto ngayon ng kaldereta at mainit-init pa." wika ng matanda kaya napangiti ako.

"Isang order po ang akin at saka isang softdrinks at kanin." nakangiting wika ko.

"Sige sige. Ikaw pogi anong sayo?" tanong ng matanda at tumingin pa kay Steel. Napatingin sa akin si Steel at mukhang hindi niya alam ang oorderin.

Inirapan ko lang siya at iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"Same with her." sagot niya bigla kaya napatingin ako sa kanya.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon