Kabanata 7

1.2K 62 12
                                    

Kabanata 7

"Kamusta naman ang pagpasok mo sa Montessori?" tanong sa akin ni Rod habang inaayos niya ang order na nasa tray.

Si Rod ang katrabaho ko dito sa Coffee shop. Pareho kaming working student kaya halos sabay lang ang pasok namin. Lima kaming nakaduty ngayon. Ang dalawang kasama namin ay nasa pantry area at si Shara naman ay nagaayos ng stock sa may storage room.

"Okay lang." tipid na sagot ko bago kinuha ang baso at nagtimpla ng Americano.

Bawat kilos namin ay may pagmamadali. Kapag ganitong oras kasi ay uwian na ng mga estudyante at madalas ay itong coffee shop ang madalas dayuhin.

Medyo malayo ito sa Montessori pero malapit sa amin kaya wala akong problema. Nalalakad ko naman mula dito hanggang sa bahay namin.

"Balita ko ay maraming bully sa mga pang mayamang school." aniya na nagpatuloy sa ginagawa.

Bago ako sumagot ay sumigaw siya sa may counter. "One chocolate espresso cake for Xerxes!" sigaw niya matapos ilagay ang tray sa may counter.

"Marami nga." sagot ko sa tanong niya at nilagay din sa counter ang americano bago kinuha ang sticky note na naglalaman ng susunod na order.

'Cappuccino layer cake and Vanilla coffee..'

Kinuha ko ang cake sa may pantry at gumawa ng vanilla coffee. Malapit na akong matapos sa ginagawa ko nang muling sumigaw si Rod.

"One chocolate espresso cake for Xerxes." dinig ko na namang wika ni Rod kaya napakunot noo ako. Tinignan ko ang order at nasa counter pa rin iyon.

"Narinig naman niya bakit hindi pa niya kinukuha dito." dinig kong bulong ni Rod kaya lumapit na ako.

"Sinong may ari niyan?" tanong ko sa kanya. Inginuso niya ang lalaking nakatalikod sa amin na nakatingin sa may glass wall.

Mukhang pamilyar ang likod niya pero hindi ko maalala kung sino at saan ko siya nakita.

"Narinig niya ako kanina. Lumingon pa nga e. Gusto ata niya i serve natin sa kanya." naiiling na bulong ni Rod.

Napabuntong hininga ako. This coffee shop doesnt have enough staff para magkaroon ng waitress. It was a self service coffee shop kaya nakakainis na may mga customer na demanding. I know customers are always right but they should have more consideration.

"Saan mo dadalhin yan?" tanong ni Rod nang kunin ko ang tray.

"Hindi tayo matatapos kung hihintayin nating kunin niya ang order niya." wika ko bago ako lumapit sa customer.

"Here's your order Sir." wika ko habang binababa ang drinks at cake na order niya. "Is there anything els-." bigla akong natigilan ng umangat ang tingin niya sa akin.

Para bang namutla ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko nang makilala kung sino siya.

"Katniss Maristella. Akala ko hindi ka na lalapit dito." wika niya bago alisin ang shades na nasa mata niya.

Isang ngisi ang pumorma sa mukha niya at mataman akong tinignan.

Napalunok ako ng tatlong beses. Para akong pangangapusan ng hininga dahil sa kaba ngunit pilit kong kinalma ang sarili ko.

"I-Is there anything else Sir?" tanong ko na bahagya pang nautal kaya mas lalo siyang ngumisi.

"Maupo ka." aniya na bahagya pang tinadyakan ang upuan na nasa harap niya na lumikha ng tunog at nakapagpalingon sa iilan na malapit sa mesa.

"Nasa trabaho ak-"

"I am a customer and I need your service. Are you declining your customers request?" tanong niya na pinutol ang sasabihin ko kaya napatingin ako kay Rod na nasa may counter at pasulyap sulyap sa gawi namin.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon