Kabanata 15

2.2K 85 48
                                        

Kabanata 15

Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang buhat pa rin ako ni Steel.

Kunot na kunot ang noo niya pero kumpara kanina ay mas okay na ang hilatsa ng mukha niya. Wala na ang mabagsik na aura.

Ibinaba niya ako sa open field kung saan ako madalas maupo. Ilang segundo siyang tahimik habang nakatingin sa kawalan kaya nagpasya akong magsalita na lang.

"S-Sorry sa nasabi ko kanina." mahinang wika ko kaya napatingin siya sa akin.

Hindi siya sumagot pero nanatili siyang nakatingin sa akin.

"T-Thank you din. Sa pagligtas mo sa akin sa pool at kina Z-Zia." wika ko pero hindi siya kumikibo kaya napakagat ako sa pangibabang labi ko.

Ilang saglit pa siyang walang kibo kaya nagpasya akong magpaalam na lang. Maybe he's mad. "Aalis na ako. Salamat ulit." wika ko.

Mabilis akong tumalikod sa kanya at akmang aalis na pero nagsalita siya kaya natigilan ako.

"Take me seriously Katniss. I told you. I like you. I dont want you to get hurt." wika niya na nakapagpakabog sa dibdib ko.

Pakiramdam ko ay may karera sa dibdib ko. Wala akong maapuhap na sabihin at parang naumid ang dila ko.

Hindi ko na lang siya sinagot at mabilis ang lakad na umalis.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ganito na lang ang tibok ng puso ko?

Napahinga ako ng malalim at pilit na inalis iyon sa isip ko.

***


Kinabukasan ay oras na akong pumasok. Naka-uniform na ako at medyo naiilang pa ako sa tingin ng ibang estudyante sa akin. Ito ang dahilan kaya oras na akong nakapasok. Hindi ko alam kung papasok ba ako ng naka uniform o hindi. Undecided.

"The uniform looks good on you." kahit hindi ako lumingon ay kilala ko na ang taong nagsalita sa likod ko.

Si Hades. Sumabay siya sa paglalakad sa akin.

"Thanks." tipid na sagot ko habang naglalakad.

Medyo maikli ang palda nila pero hindi naman bastusin tignan.

"Hindi ka na pumasok sa ibang subject kahapon. Anong nangyari?" tanong niya.

"Wala." tipid na sagot ko. Hindi ako ang klase ng tao na magbibigay ng impormasyon sa nangyayari sa buhay ko sa ibang tao."Mauna na ako." patuloy ko bago lumiko papuntang locker.

Ayoko na ding pag usapan ang nangyari kahapon. At isa pa ay hindi ko pa pala nakakausap ang taong tumulak sa akin sa pool. Kailangan ko siyang makausap mamaya.

Pagdating ko sa may locker ay mabilis din akong natigilan dahil sa kumpulan ng mga estudyante.

"Lagot si Angela. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Steel." dinig kong wika ng isang estudyante.

"Oo nga e. Wala pa namang mga instructor at nasa meeting."

Parang may sariling isip ang mga paa ko na mabilis na sumiksik upang makita ang nangyayari.

Napatakip ako sa bibig ko nang suntukin ni Steel ang locker sa may tabi ng mukha ni Angela. Lahat ay nagulat at napasinghap. Nakita ko pa na bahagyang nalukot ang pinto ng locker.

Dahil puti ang locker kaya napansin ko na may konting bakas ng dugo doon. He hurt his self.

"Damn you! I told you not to mess up with me!" sigaw ni Steel na ngayon ay kita ang galit sa mukha. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang galit na galit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon