Kabanata 12

1.1K 61 12
                                    

Kabanata 12

Monday.

Matapos ang nangyari noong sabado ay hindi na nagpakita si Steel sa coffee shop. Sa loob din ng dalawang gabi ay pilit siyang sumisiksik sa isip ko. Kahit anong pilit kong tanggal sa kanya sa utak ko ay paulit-ulit siyang bumabalik doon.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam ko na naiinis at nagagalit ako sa kanya pero ang hindi ko alam ay kung bakit lagi ko siyang naiisip.

"Seryoso ka? Si Zia ang nakita mo?"

"Oo nga. Siya nga yon! Ano kaya ang mararamdaman ni Steel kapag nakita niya si Zia."

"Bakit bumalik pa siya dito? Dahil sa kanya kaya nag away si Hades at Steel."

"Shh. Ang ingay mo! Alam mo naman kung paano magalit dati si Steel kapag inaaway ang prinsesa niya."

"Ikaw na nagsabi. Dati yon, hindi na ngayon. Tara na nga."

Dinig kong usapan ng dalawang babae sa may locker. Napakunot ang noo ko dahil doon.

Zia? Siya ba ang dahilan kaya mainit ang dugo ng dalawa sa isat-isa?

"Si Zia ang ex girlfriend ni Steel. Siya din ang dahilan kaya nag away si Steel at Hades." wika ni Angela na nasa tabi ko na pala kaya medyo nagulat pa ako.

Nagbawi ako ng tingin at muling tinuon ang pansin sa may locker ko.

"Hindi ako interesado." sabi ko habang kinukuha ang mga kailangan kong libro ngayong umaga.

"Hindi mo ba itatanong kung ano ang mismong pinag awayan nila?" tanong niya ulit kaya naman napabuntong hininga ako.

Sinarado ko ang locker ko at tumingin sa kanya.

"Wala akong pakialam sa personal nilang buhay Angela. Mauna na ako. May pasok pa ako." sagot ko bago ko siya talikuran.

"Dahil inagaw ni Hades si Zia mula kay Steel." wika ni Angela na sumabay pa sa akin.

Biglang umusbong ang inis ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro ay dahil pilit niyang ikinukwento ang mga bagay na hindi naman ako interesado.

'Interesado ka. Gusto mong malaman kung sino ba si Zia.' wika ng kabilang parte ng utak ko kaya mas lalo akong nainis.

"They were childhood sweetheart. Steel is over protective with Zia. Sweet pa nga siya noon kay Zia but then he learn-."

"Bakit mo sinasabi sa akin yan?" inis na putol ko sa sasabihin niya.

Nagkibit balikat siya at ngumiti.

"I thought you would like to hear it." aniya.

"Well you're wrong. Wala akong pake sa kanya at kay Steel. Kaya kung pwede lang wag mo ng sabihin sa akin dahil hindi ako interesado." sagot ko bago ko siya tuluyang iwan.

Parang tumaas ang dugo sa ulo ko dahil doon. Im not asking! Hindi ko tinatanong kung anong meron sa kanila dati.

"Bad mood?" tanong ni Hades na ngayon ay nasa harapan ko. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko at tumingin sa akin.

Hindi ko siya sinagot at tumingin sa labas ng bintana.

"Are you okay?" tanong niya ulit kaya binaling ko sa kanya ang tingin ko.

"Bakit naman hindi ako magiging okay?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Your face. Para kang susugod sa laban." sagot niya na iminuwestra pa ang mukha ko.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon