Kabanata 9

1K 63 10
                                    

Kabanata 9

Monday.

Lunes na ngayon. Kahapon ay nagdahilan akong hindi papasok sa coffee shop dahil ayokong makita si Steel. He's calling me the whole day pero hindi ko iyon sinasagot.

Ngayon naman ay maaga akong pumasok. Dumiretso ako sa may field kung nasaan ang mga bench at doon nagpalipas ng oras.

Pinikit ko ang mga mata ko at nag isip. Iniisip ko kung anong mangyayari ngayong araw. Sinabi ba ni Steel ang nalalaman niya? Paano kung hindi lang pala siya ang mambully sa akin? Paano kung maging ang ibang ellite at social class.

Puno ng kaba ang dibdib ko at agam-agam.

"I am calling you yesterday. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" mabilis akong napamulat ng marinig ang boses ni Steel.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat at kinakabahang tanong ko.

"Looking for you."

"Why? Sisimulan mo na ba akong ibully? Saktan? Ipahiya? Kagaya ng ginagawa mo kina Angela at Jason?" tanong ko kahit na may takot sa dibdib ko.

"Dont compare yourself with them." aniya bago naupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pwedeng ikumpara sa kanila. Kung tutuusin ay mas malala pa ako dahil nagsinungaling ako sa estado ko sa buhay. Lihim na lang akong napabuntong hininga sa kaisipang iyon.

Akmang tatayo ako ngunit pinigilan niya ang kamay ko kaya napaupo ulit ako.

"I'll Sleep. Wake me up. Before class begin." aniya kaya napakunot ang noo ko.

Mas nagulat ako nang ipatong niya ang ulo niya sa hita ko.

"Anong ginagawa mo?!"inis na tanong ko. Akmang tatayo ako pero muli niya akong pinigilan.

"Let me sleep. Maaga akong nagising dahil alam kong maaaga kang pupunta dito." Aniya bago pumikit.

May paro-paro na naman ang naglalaro sa sikmura ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko lang siya sa posisyon niya. Hindi ako nagsalita at tinignan lang ang mukha niya.

Gwapo nga siya. Makapal ang kilay at pilik mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Medyo magulo ang buhok niya pero bumagay iyon sa kanya.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung para saan ito pero kasabay ng mabilis na kabog na iyon ay ang paro-paro na nagliliparan sa sikmura ko.

Napalunok ako at iniba ang tingin ko.

Ilang sandali ako sa ganoong posisyon  bago ko napagpasyahang umalis. Akmang aalisin ko ang ulo niya sa hita ko pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko na ikinagulat ko. Akala ko ay tulog na siya.

"Where are you going?" tanong niya habang nakapikit pa rin. 

Huminga ako ng malalim bago siya sinagot.

"Aalis na ako."

"Let me sleep."

"Makakatulog ka ng wala ako!" medyo mataas na ang boses na wika ko dahil sa hindi maipaliwanag na kabog ng dibdib ko.

"I want you beside me. Five minutes Katniss." aniya sa malumanay na tinig. Hindi ko alam kung bakit ganito siya umakto ngayon. Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya ako.

"Ano bang palabas to?" naiinis na talagang tanong ko. Naiinis ako dahil hindi ko maipaliwanag ang kaba na bumubundol sa dibdib ko. At naiinis ako dahil sa pinapakita niya. Hindi ganito ang nasa isip ko.

Umalis siya sa pagkakahiga sa hita ko at tumingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Sa bandang huli ay siya ang umalis.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon