Kabanata 4

1.6K 90 18
                                    

Kabanata 4

Natapos ang pang umagang klase ay hindi pumasok si Steel. Ganoon na lang ang pag hinga ko ng maluwag dahil kapag nandyan siya sa paligid ay parang hindi ako makahinga sa nerbyos.

Lunch na at nakaupo na ako sa nasa gitnang mesa at nagsisimula ng kumain. Nakalagay sa magkabilang tenga ko ang earphones ko. Namili ako ng kanta sa Cellphone ko bago binitawan iyon sa mesa. Basag ang screen ng phone ko pero gumagana pa naman.

Hindi pa ako nakakatatlong subo ng may maupo sa silyang nasa harapan ko. Napakunot noo ako ng makita sa harapan ko si Calvin at Craige.

“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko sa dalawa pagkaalis ko ng earphone ko.

“Chill Katniss. May kasama kami.” sabi ni Calvin at tumingin sa likod ko. Sinundan ko ang tinitignan niya at ganoon na lang ang kaba ko ng makita kung sino iyon.

“Shocked?” sabi ni Steel na naupo sa tabi ko. “I told you sabay tayong maglulunch.” aniya.

Akmang tatayo ako ng diinan niya ang balikat ko. “Stand up and you will regret it.” babala niya sa akin.

Napalunok ako. “A-Ano bang kailangan mo sa akin?”nauutal na tanong ko ng hindi man lang lumilingon sa kanya. I am trying to hide my fear. Kapag nakita niya na natatakot ako ay mas lalo niya akong kakayan-kayanin.

“I told you. From now on, You are mine. Exclusively mine.” malakas ang boses na wika niya na ikinalingon ng ibang estudyante.

“W-Walang nagmamay-ari sa akin. Not even you.”

Parang wala siyang narinig at sumubo lang siya ng pagkain niya. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko ngunit malakas niyang hinatak ang kamay ko kaya napaupo ulit ako. “Try me Katniss.” warning niya sa akin.

“Tapos na akong kumain.”

“Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo.” sabat ni Calvin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Ooopss.” sabi nito na itinaas pa ang kamay kaya napangisi si Craige.

“Eat.” si Steel na muli na namang sumubo ng pagkain.

Napapikit ako at bumuntong hininga. Muli kong kinuha ang kutsara ngunit hindi ako sumubo. I don’t think if I can swallow my food. Nilaro ko lang ang pagkain na nasa harapan ko.

Napalingon ako sa kaliwa ko nang may umupo sa bakanteng upuan. Napakunot ang noo ko. Ano bang ginagawa nila? Bakit nandito silang lahat sa mesa ko?

“No one invites you here.” malamig na wika ni Steel kay Hades na ngayon ay nagsisimula ng kumain.

“I don’t need invitation Steel. I want to sit here. Just continue your food.” ganting wika ni Hades.

Napatalon ako sa gulat ng biglang ihagis ni Steel ang pagkain niya na nakakuha ng atensyon sa marami.

“I lost my fucking appetite.” wika niya na sumadal sa upuan.

Nagkibit balikat si Hades at parang wala lang ang ginawa ni Steel.

“You can just leave then…Brother.” Hades.

Biglang tumayo si Steel na ikinatumba ng silyang inuupuan niya. “Wala akong kapatid na traydor at mang aagaw.” sabi ni Steel na sa isang iglap lang ay hawak na si Hades sa kwelyo.

Ngumisi si Hades bago nagsalita. “You cant change it Bro.” aniya na mas lalong ikinagalit ni Steel.

I don’t know what to do. Nakaupo lang ako at gulat na gulat sa mga pangyayari. Hindi ko masundan ang mga pinagsasabi nila.

I am nervous. Hindi ko magawang tumayo at umalis na lang.

Marahas na binitawan ni Steel si Hades. “Hades Montgomery, that’s your name it means you’re not part of Montessori Clan. So don’t you dare tell me that you’re my brother because I don’t have one.”

Ngumisi si Hades. “We’re not related by blood but we’re binded by law, Dear step brother.” ani hades kaya malakas akong napasinghap.

"Fuck you and fuck your law! I have my own rules, I have my own law." Steel.

“I dont care but don’t you dare touch her again Steel. Take my warning.” Hades.

“Gagalawin ko kahit sinong gusto kong galawin. And she’s mine so don’t cross the line. Kung gusto mo ng ibang laruan you can choose anyone. But Katniss Maristella is mine. So back off.” mahabang sabi niya.

Nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Steel. Hinila ko pabalik ang braso ko ngunit mas lalo niya iyong hinigpitan. Gusto kong tumutol pero kita ko ang galit sa mukha niya.

"Damn bastard!" dinig ko pang mura niya kaya imbes na manlaban ay hinayaan kong hilain niya ako. I dont want to face his wrath.

Hindi nagtagal ay tumigil siya sa paghila sa akin. Nasa may music room kami at walang tao. Madilim ng paligid ngunit tama lang ang ilaw na nasa gitna para matukoy ko kung nasaan kami.

Tinignan niya ako kaya nakipagsukatan ako ng tingin. Ilang sandali pa ay hindi ko rin nalabanan ang tingin niya kaya mabilis kong iniiwas ang tingin ko.

"Do you like that bastard?" tanong niya habang lumalapit sa akin. Napaatras ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.

"Answer me. Do you like him." mariin niyang tanong kaya mas lalo akong napaatras.

It was a simple question that was answerable by yes or no but Im having a hard time in answering. Mas okyupado ng utak ko ang presensya niya na lalong lumalapit sa akin at hindi na ako natutuwa. My heart is beating too fast.

"Answer me Katniss." mahinang wika niya. Naramdaman ko ang malamig na pader na nasa likod ko. I am cornered. Mas lalo akong pinangapusan ng hininga. Inilagay niya ang isang kamay niya sa uluhan ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Naamoy ko ang mabango niyang hininga na lalong nagpakabog sa puso ko.

"N-No." naisagot ko nang bigla niyang ilapit lalo ang sarili sa akin. Tinulak ko siya ngunit hindi siya natinag.

"M-May pasok pa ako." wika ko at muli siyang itinulak ngunit hinawakan niya ang kamay ko at isinandal iyon sa pader.

Napalunok ako.

'Anong ginagawa niya?!'

"Remember Katniss, You are mine. And I dont share my property. Kung may gusto ka man sa kanya ay wala akong pakialam pero oras na gaguhin mo ako I will show you the real devil." wika niya bago ako iniwang nanghihina.

Napaupo ako sa sahig dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. Pinagbantaan niya ako! And the hell with him! Kahit ayoko ay kusa akong natatakot sa mga tingin niya.


*Please Vote and cimment. Be a fan and follow me*

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon