Kabanata 5

1.2K 69 11
                                    

Kabanata 5

"Katniss, ikaw muna magdeliver nito." wika ni Shara na nasa counter.

Its saturday kaya walang pasok. Nandito ako ngayon sa coffee shop na pinagtatrabauhan ko kapag walang pasok. Isang taon na ako dito at gamay ko na ang trabaho. Minsan ako sa counter, minsan naman ay delivery girl, o kaya naman ay waitress at kung minsan ay sa kusina ako nakatoka.

"Saan to?" tanong ko matapos  kuhanin ang paperbag na may lamang mga cake.

Hindi siya sumagot bagkus ay inabot niya sa akin ang papel kaya mabilis ko iyong kinuha. Napataas ang kilay ko dahil ang nakalagay sa papel ay address ng condo.

"Ako na bahala." wika ko bago ko bago tumalikod.

Mabilis kong pinaandar ang motor patungo sa address. Ilang sandali pa ay nasa tapat na ako ng  condo kaya muli kong kinuha ang papel at tinawagan ang number na nandoon ngunit walang sumasagot.

Napailing na lang ako. Lumapit ako sa guard at nagtanong.

"Kuya may delivery po ako. Pwede bang patawagan ang nasa Unit 503?" tanong ko sa guard.

"Ganon ba Mam? Lapit na lang po kayo sa reception area para sila na ang tumawag." wika niya kaya napatango ako.

"Salamat kuya."

Mabilis akong lumapit sa Receptionist at pinatawagan sa kanila ang may ari ng unit.

Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Halatang pangmayan ang condo na ito. Bukod sa mataas ang building ay sa lobby palang ay nagsusumigaw na ng karangyaan.

Ilang sandali kong pinagsawa ang paningin ko sa kabuuan ng lobby bago ibaba ng receptionist ang telepono at muling tumingin sa akin.

"Miss Ihatid mo na lang daw sa may pool area. Diretso ka lang diyan tapos kanan para makapunta ka sa pool area." turo nang receptionist.

Wala akong nagawa kaya napabuntong hininga na lang ako bago ko tinahak ang daan papuntang pool area.

Walang ibang tao sa pool kung hindi ang isang lalaki na ngayon ay kakaahon palang sa pool at nakatalikod sa akin. Nagpupunas siya ng buhok kaya hindi niya ako kaagad napansin.

Mabilis akong lumapit at tumikhim para maagaw ang atensyon niya.

"Delivery po." wika ko ngunit mabilis din akong natigilan nang humarap ang lalaki sa akin.

Gulat na napaatras ako at napalunok.

Kunot noo siyang nakatingin sa akin ngunit ilang sandali lang ay ngumisi.

"Katniss Maristella." wika niya.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko at parang anumang sandali ay lalabas ito. Mahigpit akong napahawak sa paperbag at tila ba doon nakasalalay ang buhay ko.

"S-Steel." bulong ko habang namumutla.

Lumapit siya sa akin habang ako naman ay umaatras. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko bago muling ngumisi.

"A social class is a delivery girl from a coffee shop? Interesting."mapanuyang wika niya bago huminto sa harap ko.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at umakto nang normal. Sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ang swipe machine na nakasabit sa leeg ko at inilahad ang palad ko sa kanya.

"M-Magbabayad ka ba ng cash or card ang gagamitin mo?" pormal na wika ko. Gusto ko pang sabunutan ang sarili ko dahil sa pagkautal ko.

Tumaas ang kilay niya at tumawa ng pagak.

"Im using a Card." aniya na hindi nawawala ang ngisi sa labi. Kinuha niya ang paper bag na may laman nang order niya bago ako lagpasan.

"Kung gusto mong kunin ang bayad umakyat ka sa taas. Nasa taas ang Card ko." patuloy niya kaya napakuyom ang kamao ko. Napayuko ako at nakagat ang pang ibabang labi ko. He's not asking a question at iyon ang mas lalong nagpapakaba sa akin.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon