Kabanata 3

1.4K 71 5
                                    

Kabanata 3

Huminga ako ng malalim habang nasa harapan ng Montessori. It was my third day. Kahapon ay tahimik ang buong araw ko at sana ay magtuloy-tuloy iyon.

Nagsimula na akong maglakad papasok. Tila gusto kong manliit dahil habang naglalakad ako ay siya namang pagparada ng mga magagarang sasakyan.

Mula doon ay lumalabas ang mga mayayamang estudyante. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila. I am insecure. Bawat araw ko dito ay lalo kong nakikita na hindi ako para sa paaralang ito. Malayo ito sa buhay na meron ako. Malayo ito sa kahirapang natatamasa ko.

Bigla akong napahinto sa paglalakad ng biglang humarang ang isang motorsiklo sa daraanan ko.

"Social Class pero naglalakad papasok." wika ni Steel pagkaalis ng helmet niya. Nasa boses niya ang panunuya. Bumaba siya ng motor niya habang nakaipit ang helmet sa kanang braso niya.

Biglang naglumikot ang mga mata ko.

Napakagat ako sa labi ko. Kailangan kong panindigan ang pagsisinungaling ko. And Damn it! Kinakabahan ako.

"G-Gusto kong maglakad...paminsan-minsan."sabi ko na ikinataas ng kilay niya.

"Magandang exercise yan." anito pero parang hindi bumenta sa kanya ang dahilan ko.

Hindi ko siya sinagot upang makaiwas sa kanya. Inilagay ko ang earphone sa tenga ko ngunit mabilis niya iyong hinablot. Inis na tinignan ko siya bago bumuntong hininga. Kailangan kong pigilin ang inis ko.

"Ano na naman bang problema mo?" tanong ko sa kanya na pigil-pigil ang inis.

A devil smirk was automatically curved on his lips. "Sabay tayong kumain mamayang lunch."

Tututol sana ako ngunit hindi niya ako binigyan ng pagkakataong sumagot. Mabilis siyang sumakay sa motor niya at pinaandar iyon.

Inis na sinundan ko siya ng tanaw. An arrogant beast!

****

Pagpasok ko sa room ay halos nakatingin ang lahat sa akin. Hindi ko sila pinansin at pumunta sa upuan ko.

Nakaupo na ako ng makalapit ang Dalawang babae sa akin. Napaangat ang tingin ko sa kanila.

"I am Marga Martinez." pakilala ng babae na may tuwid na buhok na kulay blonde. Para siyang barbie dahil sa hugis ng mukha niya. Maputi siya, bilugin ang mata, matangos ang ilong at may maninipis at mapupulang labi.

"Katniss. Katniss Maristella." pakilala ko din ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay.

"I am Kim Montana." sabi naman ng isa pang babae na katabi niya.

"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong ko sa kanila. Obviously hindi sila nandito para makipag kaibigan sa akin.

"You mention yesterday that you're on the Social Class." umpisa ni Kim.

Tumango naman ako at iniiwas ang tingin ko sa kanila. Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko nang muli silang magtanong.

"Anong trabaho ng magulang mo? Are they Doctor's? Lawyer? Do you have business?" tuloy-tuloy na tanong ni Marga kaya mas lalo akong kinabahan.

Magsisinungaling na naman ba ako? Paano kung malaman nila ang totoo? Anong sasabihin ko? Tinignan ko ang paligid ko. Maging ang iba kong kaklase ay naghihintay ng sagot ko.

"I Prefer not to answer your question." sabi ko bago inilihis ang paningin ko.

Nagulat sila sa sinabi ko at ilang sandali silang natigilan. Mukhang hindi makapaniwala sa naging sagot ko.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon