Chapter 4: Class
“Where’s Kuya?” tanong ko nang nakapasok sa dining room para sa agahan.
“He’s preparing for school upstairs, bababa rin iyon.”
Nagsimula na akong kumain ng agahan, at hindi rin nagtagal ay pumasok na rin si Kuya umupo sa tabi ko.
Pinitik ko muna ang kaniyang tainga bago ngumiti. “Good morning, Kuya!”
“Ouch, ang ganda naman ng ‘good morning’ mo.”
Nginisihan ko lang siya.
Umalis muna si Mama pagkatapos niyang kumain dahil magdidilig daw siya ng halaman namin sa front yard.
Natapos na akong kumain kaya inayos ko muna ang gamit ko nang may maalala ako. “Kuya, saan ‘yong schedule na ibinigay sa ‘kin kahapon?”
“Yup, wait lang.” Kinalkal niya ang bag niya atsaka inabot sa ‘kin ang papel at isang ID. “ID mo rin pala kinalimutan mong kunin kahapon.”
Sinunod ko namang tingnan ang schedule na ibinigay ni Miss Florencia kahapon.
Class Schedule
Section: 11-AMr. Payne
A.M Session AdviserMs. Florencia
P.M Session AdviserClass President: Mr. Samiel Prama
Vice President: Mr. Zirdy Ivan Reistre8:00-11:00 Class Hours
11:00-12:00 Lunch Time
12:00-3:00 Class Hours
4:00-5:00 Extra Curriculum
Nanlaki ang mata ko sa nakitang pangalan ng Classroom President at Vice President. Kaya siguro kinuha niya sa akin ang papel kahapon dahil masira ang plano niya at baka makumpirma ko na siya nga ang kuya ko.Bumaling ako kay Kuya na umiinom ng juice, sinamaan ko siya ng tingin. “Kaya pala kinuha mo ‘to sa akin kahapon!”
Nagpatiuna akong lumabas ng bahay para puntahan si Mama at para na rin magpaalam.
“Saan na iyong kuya mo?”
Nilingon ko ang pintuan at iniluwa noon si Kuya na papunta na rin sa direksyon namin. “Ayan na ang engkanto na niluwa ng pintuan,” hagikhik ko at bumaling ulit kay Mama.
“Bye, Ma. We’ll go now.” Humalik siya sa pisngi ni Mama kaya kinakailangan niyang tumingkayad nang kaunti para maabot si Kuya.
“Let’s go, Pareng Jul!” Inayos pa ni Kuya ang pagkakakabit ng seatbelt sa ‘kin.
“Pare?” takang tanong ko.
“Oo, pare. Hindi mo ba alam iyon?” sarkastikong aniya bago ako inirapan.
“Alam ko malamang, at p’wede ba, Kuya, tigil-tigilan mo iyang pag-irap mo baka tusukin ko iyang mata mo!”
Tumawa siya bago kurutin ang pisngi ko, halos sakmalin ko siya sa pagka-inis.
Nakarating naman agad kami sa parking ng Clark High kaya lumabas na kami.
“Hi, Kuya guard! Look, I already have my ID now!” Ipinakita ko ang ID sa guard.
“Tapos? Mayroon din akong ID kaya hindi ako maiinggit! Hala, sige pasok na!”
YOU ARE READING
Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)
Teen FictionAfter transferring to Clark High School, Anella Victoriane Reistre was able to start a new, significant life. She didn't know that studying there would be precious, for her dull life would change into something colorful. Meeting people she never tho...