Chapter 33

1.2K 50 3
                                    

Chapter 33: Debut

Childish as it seems, but I really wanna cry out of frustration.

Bakit? For Pete’s sake, birthday ko na bukas! At debut pa! Nitong mga nakaraang araw ay wala man lang akong narinig tungkol sa bagay na ito. Kasi aaminin ko rin na kanina ko lang din naalala.

Nakalimutan siguro nila dahil sa marami rin kaming naging problema. Kung hindi ko pa i-check ang social media accounts ko kanina ay hindi ko rin namalayan ang panahon na birthday ko na mamayang alas dose ng gabi. Ako mismo, nakalimutan. Sila pa kaya na may sariling buhay na ginagalawan?

Huminga ako nang malalim at lumabas ng kuwarto. I knocked on Kuya’s door but to no avail, siguro ay naroon siya sa kabilang bahay, ayaw pa rin umuwi rito.

Napabuntonghininga ako at bumalik na lang ulit sa kuwarto. Nagtatampo ako sa kanilang lahat. Kahit si Mama, Papa, at Lolo hindi man lang nabanggit ang tungkol sa birthday ko ni isang beses. Gusto ko pa naman na ’pag 18th birthday ko ay kumpleto kami, sana nga. Kahit hindi engrande basta kasama ko lang ang mga taong nagmamahal sa akin, it’s more than enough.

Hindi ko namalayan na mag-aalas dose na pala kung hindi lang nag-vibrate ang phone ko sa lamesa sa gilid.

Babe: I know you’re still awake. I’m here downstairs.

Namilog ang mata ko at siguro bago pa ako makakurap ay nagkukumahog na akong bumangon at lumabas para bumaba.

Ano’ng ginagawa niya rito, e, gabing-gabi na?!

Pagkababa ko ay madilim at dim lang ang lights kaya humawak ako sa railing ng hagdan at kinapa ang switch na nasa pader. Pagkabukas ng ilaw ay nalaglag ang aking panga dahil sa gulat.

Happy birthday to you, happy
birthday to you

Happy birthday, happy birthday,
Happy birthday to you...

They started singing me a happy birthday. Si Mama, Papa, Kuya, Kent at... Jace! They’re here!

Gulat pa rin ako hanggang sa matapos silang kumanta. I was interrupted when Jace stepped forward while holding a cake.

I bit the inside of my cheeks, getting emotional.

“Make a wish, Victoriane,” he said.

I twisted my lips, looking at him down to the cake. Pumikit ako at tahimik na nagdasal bago hipan ang kandila. After that, I heard their claps.

Binati ako ng mga magulang, ni Kuya at ni Kent pagkatapos noon. Wow. Ang bilis nawala ng pagtatampo ko, thinking that they forgot my birthday!

“Happy birthday sa baby Ari namin na ’yan,” pang-aasar ni Kent at sinundot ako sa tagiliran.

Tinaliman ko siya ng tingin. “Kent!” pagmamaktol ko.

Naputol iyon nang tatawa-tawa siyang yumakap sa akin. “Biro lang, s’werte mo talaga ang guwapo ko.”

“Shut up!” natatawang tugon ko.

“O, ako naman. Epal ka rin, e.” Inagaw ako ni Kuya kay Kent at hinila para yakapin. “Hinanap mo ’ko, ’no? Sorry, Ari. Happy birthday, baby.”

“I’m not a child anymore, Kuya. Nasa legal age na kaya ako!”

“Still, you’re my baby.”

Nakita kong nakikipag-usap pa si Jace kay Mama kaya naman nagpaalam muna ako kanila Kuya para puntahan si Jace sa ’di kalayuan. Nang marating ang puwesto niya ay dumausdos ang aking kamay sa baywang niya.

He craned his neck to look at me, lips parted.

Ngumiti ako. “I love you,” I mouthed, not minding Mama in front of us.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now