Chapter 6: Meet
“Anella Victoriane!”
Nakaramdam ako nang pumipisil sa aking ilong kaya bahagya akong nagreklamo. “Hmm...” pag-ungot ko.
“Tigilan mo nga ‘yan! Get up from your bed!”
Naiinis akong bumangon at nagkusot ng mata. “Ano ba, Kuya! Nagpapahinga iyong tao parang bwisit naman kasi!”
Pero hindi niya ako pinansin at basta na lang inginuso ang pagkain na nasa sidetable ko.
“Kumain ka na, patpatin.”
“May sinasabi ka ba?” inis na tanong ko, at hihiga na sana ulit kung hindi niya lang ako hinila sa braso.
“Kumain ka na sabi,” banta niya at naiinis na kinuha ang tray at inilapit sa akin.
Napabuntonghininga ako at walang ganang dinampot ang sandwich sa gilid. “Hindi naman kasi ako nagugutom, e,” bulong-bulungan ko habang ngumunguya.
“May sinasabi ka?” si Kuya.
Inirapan ko siya. “Wala, walang lasa ‘tong sandwich,” pagbibiro ko.
“Sakit mo naman magsalita, ako pa naman gumawa niyan.”
Hinintay siguro muna ako ni Kuya na matapos kumain bago siya nagsalita.
“About earlier—”
“Sinampal ako no’ng Chesca,” dugtong ko.
“I’m sorry, princess—”
“Bakit ka nagso-sorry?”
“I wasn’t able to stop her earlier, hindi agad ako nakarating.”
Umiling ako. “Hindi mo naman kailangang sisihin iyong sarili mo. Bakit, ginusto mo ba ‘yon?”
Umiling din siya.
“‘Di ba? Kasi alam ko kung nandoon ka naman ‘di mo naman talaga hahayaang mangyari iyon, e. Ayos lang, Kuya.”
His features softened. “Are you okay, though?”
I smiled.
May sasabihin pa sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Mama.
“Ariane! May naghahanap sa ‘yo, tumawag sa telepono natin sa baba! Ba’t landline number naman natin ang ibinigay mo sa kaibigan mo?” nagtatakang tanong ni Mama.
Nasamid ako nang wala sa oras atsaka kami nagkatinginan ni Kuya.
Nagsihagalpakan kami ng tawa.
Sumandal si Mama sa pader habang nakatingin sa aming dalawa. “What's wrong with you guys?”
“Nanghingi kasi ng number si Jace kanina sa kaniya Mama tapos akala namin ibinigay niya iyong number niya, iyon pala landline natin,” sagot ni Kuya.
“Oh my! Jace Prama? Iyong kapatid ni Sam, right? I really like that boy,” Mama stated enthusiastically.
“Bakit daw tumawag, Ma?” tanong ko, hindi pinansin ang komento niya kanina.
“Ewan ang sabi, ‘hello,Victoriane? I just wanna talk to you, hello, are you still there?’. Hindi ko kasi nasagot agad dahil nakikinig pa ako,” aniya.
Lihim akong napangisi at ganoon din si Kuya bago nagpa-iling-iling.
“Bumaba ka, Ariane, kausapin mo tatawag yata ulit ‘yon!” bilin nito bago lumabas.
Binalingan ko si Kuya nang tumayo na rin siya. “Kausapin mo ‘yon, alis na ako.” Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa ulo bago lumabas.
Nang naubos ko ang pagkain—na hindi ko man lang namalayang naubos na pala—ay bumaba na ako. Dumiretso sa ako sa puwesto ng telepono at akmang hahawakan iyon nang saktong tumunog ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/228977326-288-k294523.jpg)
YOU ARE READING
Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)
Ficțiune adolescențiAfter transferring to Clark High School, Anella Victoriane Reistre was able to start a new, significant life. She didn't know that studying there would be precious, for her dull life would change into something colorful. Meeting people she never tho...