Chapter 29

1.1K 45 2
                                    

Chapter 29: Sister

Hindi ako makapaniwalang nagawa kong maging ganoon kay Papa. Should I say sorry or just let it pass?

Napabuntonghininga naman ako nang naisip na nangyari na rin iyon.

Dapat nga talaga hindi ako magpadalos-dalos sa mga sasabihin lalo na't galit ako.

Magkaiba nga talaga kami ni Kuya, ako ay madaling nauuto at easy to get, siya naman ay pinag-iisipan munang mabuti bago magdesisyon. I want to be like him. Kailangan ko na bang magbago?

Tumango ako sa sarili. "Siguro nga," bulong ko.

Madali lang akong magpatawad at madaling makitungo at pakitunguhan. Should I be hard on people around me? It depends.

Inayos ko ang aking sarili para bumaba na, ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay napahinto ako nang narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Do you know Lesly, your classmate? She told us what she witnessed that night, and Chesca Allen is involved in this again." Boses iyon ni Lolo.

So, piniling magsalita ni Lesly kaysa pagtakpan ang gawain ng kaibigan.

Siguro nga at hindi pa rin ganoon ka-unfair ang mundo sa akin. May mga tao pa ring pinipili ang tama kahit ikapapahamak nila ito.

Narinig ko rin na pinatawag ang magulang ni Chesca, at gusto nina Kuya na matanggal siya sa eskwelahan.

Paano kung magkita sina Papa at Chelsea? What would be their reaction? Hahayaan ba ni Papa na ang anak niya ay matanggal sa eskwelahan ng lolo? O baka naman walang kaalam-alam at ideya sina Papa tungkol kay Chesca?

Hindi niya alam na ang magulang ni Chesca ay si Chelsea?

Naguguluhan ako at uhaw sa katotohanan. Is this about their past?

Bago pa ako makabalik sa kuwarto para hindi mahuli ay nakita na ako ni Kuya na nakaupo sa baitang ng hagdan at nakasandal sa pader.

"Ari, what are you doing?"

Napaangat ako ng tingin dito. At saka tumayo para yumakap sa kaniya. Isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang leeg, nahihiya.

"Sorry, Kuya... I didn't mean what I've said earlier."

He kissed the top of my head before he let go of me. "Alright, I'm sorry too. Go and get ready."

"Huh, bakit?"

"We'll do something."

Tumango ako at ngumiti bago tumalikod at tumakbo papuntang kuwarto. Habang nagsasalamin ay napansin ko ang papahilom na mga sugat sa aking leeg at sa mukha. Nagbaba ako ng tingin sa aking braso at napadaing nang maramdaman ang kirot sa bandang may pasa

Napabuntonghininga ako at napailing.

Why were they so cruel to me?

Sinuot ko ang aking denim dress at ang puting flats. Kumuha ako ng puting clip sa lamesa at inilagay iyon sa side ng aking buhok bago ako lumabas.

Hindi pa man ako nakakalabas ay napahinto ako at kinapa ang aking sling bag at bulsa ng damit. Napabuntonghininga ako nang naalalang nawala pala ang aking cell phone, more on ninakaw.

Napabaling silang lahat sa akin nang bumaba ako. Kaagad na lumapit sa 'kin si Mama at hinagkan ako.

Simula nang dumating sina Papa ay minsan na lang kaming nakakapagbonding ni Mama, mapabahay man o hindi. Pero masaya akong madalas siyang nakangiti marahil ay kumpleto na kami. Kahit ako ay masayang masaya hindi ko lang maatim na may iba pa pala akong kapatid na hindi galing sa kaniya. I wonder is she knows? Siguro hindi talaga.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now