Blaine Charles David Xerxes's POV
"I'm not sure kung mapagkakatiwalaan ka! Bruha kapa naman tsk!" Sabi ko kay Leigh HAHA
"Anong bruha?! Tsk sige na! Ako nga nagtiwala sayo e!" sabi niya.Psh okay wala na akong magagawa kung hindi ikwento sa kanya. Pero malalaman niya na ang ex ko ay kapatid ng boyfrie--? Este kuya niya? Psh nakakalito naman! "Hoy! Kwento na agad!" Sigaw niya sa akin kaya nagulat ako tsk
"Oo na eto na! Makinig ka kasi isang beses ko lang din uulitin ito!" Sabi ko sa kanya at ayun sinimulan ko na ang kwento ko.
____________after 3 minutes___________
Pagkatapos kong magkwento ay nakanganga lang siya HAHAHA! Bakit ang cute niya? Psh btw mabilis kong nakwento kasi mabilis ako magkwento HAHAHAHA!
"Si Christina?" Tanong niya kasi halatang naguguluhan pa siya tsk
"Ang kapatid ng boyfriend mo/kuya mo ay ex ko!" Sabi ko sa kanya
"B-but how?" Tanong niya.Bakit paulit ulit itong babaeng ito? Tsk
"Sa totoo lang ngayon ko lang din nalaman na kapatid niya si Daniel at isa siyang Loki! Kasi nung kami pa wala akong kaalam alam tungkol sa kanya. Pati parents niya hindi ko kilala! Kaya nga nabigla ako nung nalaman kong isa siyang Loki. Pero ang ipinagtataka ko,bakit hindi niya ako kilala?" Pagkekwento ko sa kanya
"Paanong hindi ka kilala?" Tanong niya sa akin
"Nung nakita ko ulit siya sa school kinausap ko siya. Pero hindi niya ako kilala!"
"Nung una hindi ko din alam na may kapatid siya. Tuwing magkasama sila ni Christina ay nagseselos ako,pero magkapatid pala sila. At ang malala pa kapatid ko din pala si Daniel HAHAHA" sabi niya. Tsk alam ko na pilit yung tawa niya,magaling din magpanggap na okay itong bruha na ito e. Pero hindi kona pinansin yun kasi nalito ako kung bakit hindi niya din alam na may kapatid si Daniel?
"Paanong hindi mo alam na may kapatid si Daniel?" Tanong ko sa kanya
"Hindi sinasabi sa akin ni Daniel. Parang nakakasense na ako na may tinatago yung Family nila." sabi niya kaya naman napaisip ako.
"Ano naman kayang itinatago nila?"
"Hmm hindi ko alam! Basta ramdam ko may tinatago sila. Isipin mo kasi hindi nila pinapaalam sa iba na may anak pa pala sila at si Christina yun and yung tungkol sa inyo! Diba hindi din sinabi sayo ni Christina yung tungkol sa family nila? So nakakasense na talaga ako" sabi niya kaya naman naisip ko din na may tinatago nga sila. Pero bakit naman sila magtatago?
"Hmm edi imbestigahan natin HAHAHA btw okay kana ba?" sabi ko sa kanya
"Kahit naman hindi ako okay kailangan ko padin maging okay."
"You know what ikaw lang yung babaeng kilala kong ganyan." sabi ko sa kanya
"What do you mean ganyan? HAHAHA"
"Iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Malakas ka! Pero Leigh? Hindi masamang ipakita mo sa iba ang totoong nararamdaman mo. Hindi pwedeng habang buhay mo nalang sasarilihin ang problema mo. Yes malakas ka. Pero hanggang saan yang lakas mo? Tao tayo Leigh at hindi robbot." sabi ko sa kanya at kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot.
"Hmm you have a point. Pero hindi mo ako kilala. Ang ayaw ko sa lahat ay yung magsasabi ako sa iba ng personal na problema ko. At yung lakas ko? Hanggat nabubuhay ako hinding hindi mawawala yun kahit na nasasaktan na ako. Alam mo Harvey iba iba tayo,iba iba ang takbo ng utak ng mga tao. Para sa akin mas magandang sarilihin ko nalang yung problema ko. Kahit hindi ka okay? Go lang,ipakita mo sa iba na okay ka padin kahit ang sakit sakit na. Yun nalang ang tanging natitira sa dignidad ko. Kung magsasabi ako sa iba ng problema ko nandiyan yung mga taong huhusgahan ka kahit hindi naman nila alam ang totoong nangyari.Being judged by someone without knowing your side is painful. So para sa akin mas okay ng sarilihin ang problema. Kasi magiging okay din naman yun e. Kapag dumating na yung araw na napagtagumpayan mona yung problema,ang sarap sarap sa pakiramdam. Kasi ikaw mismo! Ikaw mismo ang nakagawa ng paraan para masolusyonan ang problema at hindi ka humingi ng tulong sa iba." sabi niya kaya naman parang nahiya ako. Hindi ko maimagine na may ganitong babae? Iba si Leigh.
YOU ARE READING
Love Takes Time!
RomanceMeet Farrah Leigh Tyler. Isang babaeng walang kinakatakutan pero kinakatakutan ng lahat. Palagi siyang nasasawi sa pag-ibig. Ngunit paano kung dumating ang isang lalaki na makakapagpalambot ng kanyang puso? Paano kung ibigin niya din ang lalaking it...