Someone's POV
"You?" omgg kahit lasing siya alam kong kilala niya ako! Agad akong tumalikod at umalis. Gusto ko man na kausapin siya pero makikilala niya ako. Hindi pa ito yung tamang oras para makilala niyo ako. Madami pa akong plano para pabagsakin si Leigh. Hindi manlang niya ako tinawag. I knew it, wala talaga siyang pakialam sa akin. But it's okay, mapapasa akin din siya. Maybe not now but soon!
Daniel Loki's POV
Nandito ako sa dagat at nakaupo magisa. I don't know pero gusto ko dito muna ako. Gusto ko ng tahimik. Yung parang walang problema. Kanina pa ako nagiinom lasing na siguro ako hahaha
"Hmm hi?" bigla nalang may tumawag sa akin.
"You?" pagkasabi ko sa kanya ay bigla nalang siyang umalis. Bakit siya umalis? Hindi ko manlang nakita yung mukha niya, ang dilim kasi. Hahabulin ko sana siya pero wala akong time para sa mga tao sa paligid ko. Gusto kong mapagisa ngayon.
Hays anong klaseng buhay meron ako ngayon? Hahaha! Nalaman ko na ang tatay ko pala ay si Randy Tyler. Nagsinungaling sila sa akin! Nagsinungaling si Mommy! P-pagkatapos yung babaeng p-pinakamamahal ko ay kapatid k-ko pala. Ang tanga tanga ko! Sana hindi ko nalang siya minahal! Sana hindi ko nalang pinilit yung sarili ko sa kanya! Edi sana hindi kami nasasaktan ngayon. Edi sana hindi ko siya nasasaktan. Edi sana hindi na din niya ako minahal. Mahal na mahal ko si Leigh. Pero bakit ganun yung tadhana? B-bakit siya pa?!
"May rason kung bakit nangyari lahat ng ito Daniel" nagulat nalang ako ng biglang may magsalita sa likod ko. Kilala ko yung boses na yon. Tiningnan ko siya at lalo akong naiyak ng makita ko si Leigh. Hindi ko kayang makitang umiiyak siya! Bakit siya nandito?
"B-bakit ka nandito?" nahihiya kong tanong sa kanya
"Gusto ko makausap yung lalaking pinakamamahal ko" dahil sa sinabi niya hindi kona napigilan yung sarili kong yakapin siya.
"L-leigh" tanging nasabi ko kaya niyakap niya ako pabalik
"Don't cry. Ayaw kong nakikita kang umiiyak" sabi niya kaya umalis ako sa yakap at tiningnan siya. Umiiyak din siya!
"S-sorry Leigh"
"Psh for what?" tanong niya at pinahiran ang luha niya.
"Kung a-alam ko lang na mag k-kapatid tayo hindi kona sana p-pinilit yung sarili ko sayo. Edi sana hindi tayo n-nasasaktan ngayon" hindi ko talaga napigilan yung pagiyak ko! Para akong batang umiiyak ngayon! Hays ano bang pake niyo? Nasasaktan ako e
"Hindi mo kasalanan Daniel. Hindi naman natin alam na m-magkapatid tayo right? Ngayon ko lang din nalaman kung kailan mahal na mahal na kita" sabi niya tsaka umiyak! Shittt! "M-mahal na mahal kita Daniel. S-simula nung iwan ako ni Frederick i-ikaw yung nandiyan sakin. K-kahit na alam mo na niloloko kita hindi mo ako iniwan. Kahit na alam mong si Frederick padin yung mahal ko hindi mo ako s-sinukuan. Kahit na n-nasasaktan kita kasi lumalandi pa ako sa iba kahit na boyfriend na kita pero hindi mo ako binitawan. Kahit na n-nalaman mo yung kay Dwayne hindi ka n-nagalit sakin. Mahal na kita e! Mahal na mahal na kita! P-pero bakit ganun yung tadhana? H-hindi ba pwedeng tayo nalang? Hindi pwede k-kasi magkapatid tayo hahaha. G-gusto kong isipin na panaginip lang lahat ng ito. Pero kahit anong gawin kong gising hindi ako magising kasi totoo lahat ng ito. Iloveyou Babe! Thankyou sa lahat l-lahat ng ginawa mo para sa akin. Thankyou for always making me happy. Thankyou sa p-pagmamahal na binigay mo sakin." wala akong masabi. Umiiyak lang ako! Hindi ko a-alam kung bakit k-kailangan namin pagdaanan lahat ng ito!
"H-hindi ko alam ang sasabihin ko" tanging nasabi ko lang sa kanya.
"Wala kang dapat sabihin hahaha. G-gusto ko lang malaman mo na mahal kita! Mahal na mahal. Again thankyou" huling sabi niya bago siya umalis.
YOU ARE READING
Love Takes Time!
RomanceMeet Farrah Leigh Tyler. Isang babaeng walang kinakatakutan pero kinakatakutan ng lahat. Palagi siyang nasasawi sa pag-ibig. Ngunit paano kung dumating ang isang lalaki na makakapagpalambot ng kanyang puso? Paano kung ibigin niya din ang lalaking it...