Prologue

1.1K 28 3
                                    

Hannah's POV

"Janine, nakita mo ba si Rhose?"tanong ko.

Kanina ko pa siya hindi nakikita pagkatapos naming magshopping. Hapon na at kailangan na naming umuwi.

Yeah. Isang araw kaming nakatambay sa mall.

"Hindi eh."Janine answered.

"San yun nagpunta?"tanong ko sa kanya.

"Kanina may nakita siyang bagong bukas na shop...baka nandun siya?"-Janine guessed.

"Pero sabi niya nagugutom siya baka nasa malapit na restaurant yun." Ika ni Claire.

Kukunin ko na sana ang phone ko para sana tawagan siya ng maalala kong pinahawak pala niya sakin.Gosh!

"Ang laki ng mall na toh paano natin siya mahahanap. Sige maghiwalay na lang tayo pero dito parin tayo magkita kita."sabi ko.

"Ok!"sabay nilang sabi.

Sa 3rd at 4th floor ako naghanap.Nalibot ko na pero di ko siya nakita kaya bumaba na ako.Pagdating ko ay nandun na sina Claire at Janine.

"Wala...di namin siya nakita."sabi ni Claire

"Hannah!"sigaw ng isang babae at tumalikod ako para makita kung sino.

"Hi girls.Sorry natagalan ako ah.May nakita kasi akong bagong shop sa labas kaya lumabas muna ako para bumili ng mga bags."sabi niya sabay taas ng mga bags.

"Pwede ba pang lalabas ka magpaalam ka muna.Alam mo bang inikot namin tong buong mall!"sigaw ni Claire.

"Sorry~Di na muulit.I promise."Lumapit siya kay Claire at ibinigay ang isang bag.

"Regalo ko yan sayo.Favorite mo ang color black kaya black na Gucci ang binili ko para sayo.Bati na tayo ah~?"-Rhose

Lumapit din siya sa amin at ibinigay yung iba.Fav ko ang color purple kaya purple ang akin.Kay Janine naman ang violet at kay Rhose naman ay red.HAHAY.

Umuwi na rin kami agad pagkatapos.Inayos ko na ang aking mga gamit at inihanda ko na rin ang damit na isusuot ko para bukas.Natulog ako agad pagkatapos kong magdinner para maaga akong makapag ayos bukas.Bagong school kaya kinakabahan ako.Hindi pa pala ako nagpapakilala.

My name is Hannah Lexandria 17.Mabita naman ako,cute,masipag at most of all maganda.Hahaha.Yung tatlong babae kanina ay mga kaibigan ko.Palagi kaming magkakasamang apat at di kami naghihiwalay since highschool.

Si Janine Moreña 17 din.Mabait din siya,cute,matangkad,maganda at napaka sexy niya.

At si Rhose Villafuerta ang bunso sa aming apat 16 siya at mas bata siya ng 2 months.Maganda din siya,sobrang kulit,matalino at cute.

At last si Claire Eurie Williams ang ate sa amin.18 na siya.Maganda din siya,palaging gutom,maasikaso siya sa amin at talagang siya ang ate namin.

We're just sisters.

4:30 AM

Naligo na ako agad pagkagising, pagkatapos ay nag ayos na ako at naglagay ng liptint.Ayaw kong naglalagay ng make up.5:30 ay bumaba na ako para kumain.Nakita ko si Tita Jean na nagluluto at nilapitan ko siya.

"Good morning tita."bati ko sa kanya.

"Good morning din Hann.Bat ang aga mo ata ngayon.Excited ka ba sa new school mo?"tanong niya.

"Excited po na may halong kaba."

"Umupo ka na dyan at ihahanda ko na ang breakfast mo."

Si tita Jean ang palagi kung kasama dito sa bahay dahil ang mga parents ko ay nasa Korea.Once a year ko lang silang nakakasama.Only child lang nila ako pero mas pinipili nila ang trabaho kesa sa akin.At tuwing birthday ko ay nagpapadala lang sila ng regalo.Kaya palagi akong umiiyak tuwing birthday ko.Pero palagi namang nandyan ang friends ko para pasayahin ako.Itinuturing ko na ring nanay si tita Jean kasi siya ang lagi kong kasama at siya rin ang nag alaga sa akin ng 15 years.Oops.Napahaba ata ang kwento ko.

Pagkatapos kong mag breakfast ay bumalik na agad ako sa room para ichat si Claire.Siya kasi ang susundo sa amin para sabay sabay kaming pumasok.6:30 ay bumaba na ako para hintayin sila.

"Tita sa labas na po ako maghihintay."

"Sige.Good luck.Magpakabait ka ok?"sabi sa akin ni tita.Para tuloy akong bata.Niyakap ko siya at lumabas na ako.Naghintay lang ako ng 1 min at dumating na sila.

"Good morning girls!"bati ko sa kanila.

"Good morning din!"

At the Campus

Bumaba na kami sa gate at nagpark naman si Claire.Ang laki at ang lawak ng school na toh kumpara sa mga napasukan na namin dati.Ang pangalan pala ng school ay Horence University.

"Tara,pasok na tayo."Janine said at hinila niya kami papasok.

Lahat ng tao sa corridor ay nakatingin sa amin.Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Guys look.Sila ata yung mga transferees."

"Ang gaganda naman nila."

"Girls tignan nyo oh."

"Ang gaganda talaga nila.Nakakainggit."

"San natin makikita ang list ng mga sections?"tanong ni Rhose.

"Magtanong na lang tayo."Lumapit si Claire sa dalawang babae at nagtanong siya.

Claire's POV

Lumapit ako sa dalawang babaeng nag uusap para magtanong.

"Hi miss.Matanong ko lang.Saan namin makikita ang mga list ng mga sections."tanong ko.

"Transferee po ba kayo?"Tanong ng girl 1.

"Yes"sagot ko.

"Diretsuhin niyo lang po toh at kumanan lang kayo at makikita na niyo dun ang bulletin board kung saan ang mga list ng section."-girl 2

"Thank you."Umalis na ako at nilapitan sina Rhose.

"Tara na."yaya ko sa kanila.

Naglalakad kami papunta sa direksiyong sinabi ng babae.Maraming tao na tumitingin sa kanilang mga sections kaya di kami makadaan.

"Ano ba yan ang daming tao."bulong ni Rhose.

"Aray ko!"sigaw ni Janine.Nadapa siya pero agad itong tumayo.

"OK ka lang ba?"tanong ko.

"Hindi!HOY!"sigaw niya at hinabol ang ang lalaking nakabundol sa kanya.

                         ◎◎◎◎◎◎◎

DON'T FORGET TO VOTE

My Boyfriend is a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon