Jeydon's POVHindi na ako lumaban at hinayaan ko na lang yung lalaki na suntukin ako.
Hindi naman masakit ang mga suntok niya.Ang masakit ay ang mga sinabi sa akin ni Hannah.
Paulit ulit kong sinuntok ang pader hanggang sa dumugo ang kamay ko.
"FUCK!!"
Ano bang ginawa kong mali?!
Hindi na ako pumasok at pumunta na lang ako ng bar at nagpakalasing.
Janine's POV
Nagbell na kaya pumasok at nagsi ayos na ang lahat.
Nakita ko na si Terrence ang naghatid kay Hannah.
Ang swerte ni Hannah at may kaibigan siyang gaya ni Terrence.
"Hannah!"tawag ko sa kanya pero hindi niya ako tinignan.
Umalis muna ako sa upuan ko at tinabihan ko si Hannah.
"Hannah..May problema ba?"tanong ko pero hindi siya sumagot at hindi rin niya ako hinaharap.
"Tumingin ka nga sakin!"Hinila ko siya para harapin niya ako at..
"Anong nangyari sayo?Bat ka umiyak?"
Ang pula kasi ng mga mata niya.
Lumuha lang siya at niyakap niya ako.
"Hannah~"At nagsimula na siyang umiyak.
Buti maingay tong mga kaklase namin para walang makarinig sa kanya.
Ano ba talagang nangyari?
Dahil ba sa parents niya?
Baka naman nag away sila ni Jeydon?
Hindi.Bakit naman sila mag aaway.
Mabuti din at wala pa ang teacher namin.
After 5 minutes ay tumigil na siya sa pag iyak.
"Ok ka na ba?"Tanong ko habang pinupunasan ko ng tissue ang mga luha niya.
"Mmmm."
"Ano bang nangyari at umiyak ka?"
"Pwede ba na mamaya ko na lang sasabihin?"
"Sige."
Tinabihan ko lang siya dito hanggang sa matapos ang dalawang subjects namin.
Break Time
Nasa canteen kaming lahat na girls.
At naikuwento na sa amin ni Hannah ang lahat.
Paano yun nagawa ni Jeydon?
Jennie's POV
Niloko ni kuya si ate Hannah?
Gago pala si kuya eh.
Bakit niya yun ginawa?
Hindi ako makapaniwala na mahal talaga niya si Katheryn.
Agad akong umalis at hinanap ko si kuya.
Humanda siya sa akin.
Pumunta ako ng gym pero walang tao dun.Sunod kong pinuntahan ang private room ni kuya pero wala din siya dun.Nilabas ko ang phone ko at tinawagan ko siya.Nagriring pero di niya sinasagot.
"Gago kuya sagutin mo!"
Wala talaga.
Tinawagan ko na si Tyler.