Hannah's POVAfter 5 years ay bumalik si Jeydon at nagpakasal nga kami.Pero after 1 months naging busy na siya at nawalan na siya ng oras sakin.Halos once a month na lang kami magkita.Nabobored na rin ako dito sa bahay at gusto ko na ring magtrabaho pero hindi ako pinapayagan ni Jeydon.Ilang beses ko na siyang pinipilit pero ayaw niya talaga.
Kaya heto ako ngayon.Nag iimpake ng kunting damit dahil aalis muna ako dito sa bahay.Kahit 1 month lang sana.Gusto kong mag enjoy.
Wala ngayon si Jeydon dahil nasa business trip siya.Tahimik akong lumabas ng bahay at ng nasa likod na ako ay inakyat ko ang hindi gaanong mataas na pader.May guard kasing nakabantay sa gate.Pagkababa ko sa daan ay agad akong pumara ng taxi at pumunta ako sa Rose Am Hotel.
After 1 week
Pagkapasok ko sa hotel room ko ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot kong kama.Hayy.Makakapagpahinga na ulit ako.Kapagod magtrabaho ng buong araw.Pero gusto ko naman yun kaysa sa palaging nakaupo sa loob lang ng bahay.
Nagtatrabaho na ako ngayon sa isang sikat na restaurant bilang isang cook.Hindi ko alam na may talent pala ako sa pagluluto.Si Claire ang tumulong sa akin na pumasok sa trabaho.Tita niya ang may ari ng restaurant na pinapasukan ko ngayon.
Bakit parang walang naghahanap sa akin?Kung nalaman ng mga guards na wala ako dapat nagsumbong na sila kay Jeydon.At pag nalaman niyang nawawala ako dapat pinapahanap na niya ako.
Wala na ba siyang pakialam sakin o baka naman may iba na siya kaya balewala na sa kanya na wala na ako?
Hayy!Ano bang iniisip mo Hannah?Busy lang siguro siya.
Pero kahit naman siguro busy siya hahanapin parin niya ako kapag nawawala ako diba?
Tama na nga!Ayaw ko na mag isip.
Pagkatapos kong magpahinga ay bumangon na ako para magluto ng hapunan ko.Kailangan ko ulit matulog ng maaga para maaga akong magising bukas.
Habang nagluluto ako ay narinig kong bumakas ang pinto.
Baka si Claire yan.Siya lang naman ang nakakaalam ng password ko eh.
Pinatay ko muna ang niluluto ko at pumunta ako ng sala para salubungin si-
"J-Jeydon?!"Gulat kong tanong.
"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko habang pinipilit kong kalmahin ang sarili ko dahil ang sama ng tingin niya sa akin.Galit siya.
"Ikaw?Anong ginagawa mo dito?Sinabi ko sayo noon pa na doon ka lang sa bahay diba?!Pero anong ginawa mo?Lumayas ka habang wala ako.Para ano?Para gawin ang mga gusto mo?"
"H-hindi naman sa ganun Jeydon.."
"Eh ano?!Nag alala ako sayo.Alam mo ba yun?Hindi ko pa natapos ang mga trabaho ko dahil agad akong umalis ng US para hanapin ka.Tapos ano?Malalaman ko lang na lumayas ka dahil gusto mo lang na magtrabaho?"
"Jeydon...Im sorry.Gusto ko lang naman na makatulong eh.Ayaw ko yung nakaupo lang ako sa loob ng bahay tapos ikaw ay palagi na lang na nagtatrabaho."
"Pero dapat nagpaalam ka sakin."Sabi nito habang dahan dahang lumalapit sa akin.
"Bakit?Kung magpapaalam ba ako sayo papayagan mo ako?Diba hindi.Noon ko pa sinasabi sayo toh pero hindi mo ako pinapayagan."
"Dahil ayaw kitang napapagod.Kaya ko naman na magtrabahong mag isa.Ako ang asawa mo kaya dapat lang na alagaan kita.Kaya kung pwede umuwi na tayo.Kailangan ko pang bumalik sa US dahil may trabaho pa ako."At inabot niya ang dalawa kong kamay.