"Where are you going?"-Jeydon
"Canteen.Bakit?"
"Why didn't you save me from the crowd?"
"Huh?Bakit ko naman yun gagawin?"
"Siguro naman ayaw mong makita ang bf mong may kasamang iba."
Boyfriend?So ibig sabihin totoo pala yun.Boyfriend ko talga siya.
Lumapit siya sa akin."Are you not going to give me a goodmorning kiss?"bulong niya sa akin.
"Ano?"Kiss?Seyoso ba siya?
"Ok I'll do it."at hinalikan nga niya ako sa labi at sa harap pa ng maraming tao.
Pagkatapos ay umalis na siya kasama ang mga kaibigan niya.Nakatingin naman sa akin lahat ng babae sa paligid.
"Totoo ba yung nakita ko?"
"Sila na ba talaga?"
"Jeydon just kissed her.I think their really dating."
"Ano yun?"-Claire.
"Bat di mo sinabing kayo na pala."-Rhose
"Pero bagay kayo."-Janine
"Kailan pa naging kayo?"tanong ni Rhose.
"Kahapon lang."sagot ko.
Pagkatapos naming pumunta ng canteen ay pumasok na kami sa aming room.2nd subject na pero wala pa si Jeydon.
Kwento nga pala ni Janine na sobrang yaman ang pamilya ni Jeydon.Sa kanila itong school at marami pa silang mga mall dito sa Pilipinas at pati rin sa ibang bansa gaya ng China,Singapore,Thailand,London at marami pang iba.
Nakakapagod makinig sa mga discussion.Nagpaalam ako at pumunta muna ako ng comfort room.Paglabas ko ay nakita ko si..
"Jennie?"nakita ko siyang nag aayos ng kanyang buhok sa harap ng salamin.
"Ate Hannah!"lumapit siya at niyakap ako.Kailan pa kami naging sobrang close nito.
"Dito rin pala kayo nag aaral?"
"Oo"
"It's nice to see you here ate.Malapit na pong magtime kaya mauuna na po ako."
"Sige."at lumabas na siya.
Lunch Time
Nasa canteen kami ngayon at hinihintay namin si Claire na nag order ng pagkain namin.Habang tinitignan ko ang mga tao sa paligid ay nakita ko si Jennie.Sa tingin ko naghahanap siya ng table.
"Jennie!"tawag ko sa kanya.
"Hi ate!"lakas ng bunganga nito.
"Sabay ka na sa amin."yaya ko sa kanya.
"Nakakahiya naman po sainyo.Maghahanap na lang ako ng ibang table."
"Wag ka nang mahiya.Sabay ka na sa amin."yaya din ni Rhose.
"Thank you po."
Umupo siya sa tabi ko at dumating na rin si Claire dala ang mga pagkain.After naming maglunch ay niyaya kami ni Jennie na pumunta ng gym.
Hindi kami agad umuuwi after ng school namin at tumatambay lang kami dito sa school.Wala rin kasi kaming magagawa sa bahay namin at maganda din dito dahil malawak dito at maraming pwedeng puntahan.
Pagdating namin dun ay nakita ko sina Jeydon na naglalaro ng basketball.
"Kuya!!"sigaw ni Jennie.