CHAPTER 10

244 17 0
                                    

Kasama ko ang girls at ang edm dito sa bahay ngayon.Kumakain yung iba at ang iba ay nanonood.

Nasa kwarto ako ngayon.Kakatapos ko lang na kausapin si mama.

Lumabas ako sa balcony para magpahangin nang bumukas ang pinto at pumasok si Jeydon.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko at nilapitan ko siya.

"Ang ingay sa baba kaya dito muna ako.Magpapahinga lang ako saglit."At nahiga siya sa kama ko.

"Teka...bat dyan?"

"Gusto ko dito eh."

Inabot niya ang isa kung unan at niyakap niya ito.

"Para kang bata."sabi ko at tumingin siya sa akin.

"Kung ikaw ba ang yayakapin ko hindi na ako bata?"-Jeydon.

"Magpahinga ka na nga lang dyan"sabi ko at lumabas na ako.

Tumabi ako kina Jennie na nanonood.

9 PM

Nandito pa din kaming lahat at nanonood.Uuwi daw sila ng 11.

Akala ko ba saglit lang si Jeydon dun?

Tumayo ako at pinuntahan ko siya.Pumasok ako at nilapitan ko siya.

Saglit lang ba 3 hrs?

"Jeydon?"mahina kong sabi."Jeydon?"

Tulog talaga siya.

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ko ang mukha niya.

Ang kinis ng mukha niya. Nakakainggit.

Nagulat ako nang bigla siyang gumalaw.

"Jeydon?"

Akala ko gising na siya.

Tinignan ko ulit ang mukha niya.Nakakaakit naman ang red lips niya.

Napaatras ako ng kunti at nagulat nang bigla siyang dumilat at  bumangon.Napalunok naman ako dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Ate Han-"tinignan ko si Jennie na papasok na sana.."Sorry."Pero nang makita niya kami ay agad siyang umalis.

Pagkaharap ko kay Jeydon ay hinalikan niya agad ako.

Pagkatapos ay ngumiti siya."Aalis na ako.Kita na lang tayo bukas."Tumayo siya at lumabas na.

Namiss ko yung halik na yun.

Umalis na din yung ibang boys.Dito matutulog sina Jennie para daw sabay sabay kami bukas.

Jennie's POV

Nasa sasakyan na kami at papunta ng airport.Si ate Claire ang driver namin at katabi niya si ate Janine.Sa second seat naman sina ate Hannah at ate Rhose.At kaming dalawa ni Hailey ay dito sa third seat.

Pagdating namin sa airpot ay dumating na din yung boys.At sumakay na kami sa private plane namin.

Magkatabi parin kami ni Hailey.Ang apat na may partners ay nasa likuran at yung ibang boys ay nasa harapan.

Habang si Hailey ay natutulog ako naman ay pinapanood ko si Tyler.May gusto ako kay Tyler.Matagal na.

Nakapikit siya at nakaheadphone.

"Matutunaw na siya."Nagulat naman ako nang magsalita si Hailey na nakapikit.

"Gosh.Hailey gising ka pala?"

"Malamang."at dumilat siya."Si Tyler pala ang crush mo?"tanong niya.

"Oo...Sa atin lang toh ah.Wag mong sasabihin sa iba."bulong ko sa kanya.

"Ok."-Hailey.

"Ikaw ba?May nagugustuhan ka ba sa kanila?"tanong ko sakanya.

"Wala."-Hailey.

"Talaga?"

"Oo...kasi kahapon ko lang sila nameet.Di ko pa nga sila kilala eh."-Hailey.

"Ganun?"

Nakarating na kami sa Korea.Sumakay kami ng bus papunta sa resort nila kuya Justine.

Pagdating namin ay kaunti pa lang ang mga tao.Pero sigurado akong dadami mamayang gabi dahil opening nila.

Pumasok na kami sa hotel.

"Welcome ladies and gentlemen."bati sa amin ng mga staff.

Ang lawak ng hotel na toh.Sabi pala ni kuya Justine na kami na ang bahalang pumili ng room namin dahil kami pa lang ang unang guest dito.

Sa room 44 ako at si Hailey naman sa room 45.

Hannah's POV

Nasa room ako ngayon at kakatapos ko lang magshower nang may kumatok at agad ko itong binuksan.

"Hannah.Tara maglibot tayo."yaya ni Janine.

"Sige.Magpapalit lang ako."

Pagkalabas namin ng pinto ay nakita namin sina Jeydon at Yohann sa harapan namin.

"May pupuntahan kayo?"tanong ni Jeydon.

"Maglilibot lang.Kayo?"tanong ko din sa kanila.

"Maglilibot lang din."-Jeydon.

At magkasama kaming apat na naglibot dito sa resort.

Jeydon's POV

Magkasabay kami ni Hannah na naglalakad dito sa tabi ng dagat.Nasa harapan naman namin sila Yohann at Janine.

Malawak ang resort nila Daniel.May beach at puno ng mga matataas na puno ang paligid ng hotel.

"May gusto ka bang puntahan bukas?"tanong ko kay Hannah.

"Uhmm.Di ko pa pinag iisipan eh."sagot niya.

"Why don't we go and visit your parents.Today."

"Baka busy sila."-Hannah.

"I don't think so.Let's go."At hinawakan ko ang kamay niya at pumunta kami sa parking lot.

"Siguro kailangan ko muna silang tawagan.Baka marami silang ginagawa at ma isturbo ko pa sila."-Hannah.

"Just get in the car.Ok?"sabi ko at binuksan ko ang pinto at pumasok siya.

Tinawagan ko ang parents niya kahapon at sinabi kong pupunta kami dito ngayon.Natuwa naman sila at sinabi nilang gusto nilang makausap at makita si Hannah kahit saglit dahil pupunta sila ng Canada mamayang gabi.Kaya ngayon ay pupuntahan namin ang parents niya.

Tahimik lang si Hannah hanggang sa makarating kami.

"Nasan ba tayo?"Tanong niya nong nasa harap kami ng isang pinto.

"Just open it."sabi ko at binuksan niya ang pinto.

"SURPRISE!!"

"Mom!Dad!"Agad naman niyang niyakap sina tito at tita.

"We really miss you baby."sabi ni tita na umiiyak na.

Hindi na nakapagsalita si Hannah dahil umiiyak.

Hannah's POV

Sobrang saya ko ngayon dahil nameet ko sina mama at papa.

Nagpasalamat naman ako kay Jeydon dahil kinausap pala niya ang parents ko kahapon.Kinuwento ni mama sa akin.

Nag usap kami ng halos 2 hours.Kinausap na din nila si Jeydon.

After that umalis na sila dahil pupunta daw sila ng Canada.Bumalik na din kami ni Jeydon sa resort.

    
                         ◎◎◎◎◎◎◎

DON'T FORGET TO VOTE

My Boyfriend is a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon