CHAPTER 9

258 13 0
                                    


Jeydon's POV

Kanina ko pa siya tinitignan pero hindi niya ako pinapansin.Ok naman na sa akin na wala talaga siyang maalala.Nakaraan na din yun.Ok na saakin yung nandito na siya at kasama ko.

Dinala ko siya dito sa likod ng building kung saan may mini forest.Kaunti lang ang nakakaalam na may ganito dito kasi wala naman madalas na pumupunta dito.

"Ang ganda dito."-Hannah.

Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Hannah...can you be my girlfriend?"Tanong ko.

Seryoso na talaga ako ngayon.

Yung una naming pagkikita pinilit ko lang siyang maging gf ko.Ngayon..totoo na talagang may nararamdaman ako sakanya.

"It's ok if youre not ready to give your answer.I will wait for it."

Hannah's POV

Nasa bahay ako ngayon at kumakain.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung tanong ni Jeydon.

Seryoso na ba siya?But he never said I Love You.

Sa tingin ko di naman na kailangan yun?........Kailangan ba?

Ding...

[Alarm namin yan kung may pumasok sa gate.Tao man o sasakyan.]

Pumunta ako sa may pintuan at sakto namang may nag doorbell.Binuksan ko ito agad...

"Ma!"sa sobrang tuwa niyakap ko agad si tita Jean.

"Kamusta ka na?"tanong niya sakin.

"Ok lang po."

Pinapasok ko sila.Oo SILA kasi may kasama pa siyang isang babae.

"Saglit lang ako dito kasi may kailangan pa akong puntahan."

"Akala ko pa naman dito na kayo."malungkot kung sabi.

"May makakasama ka naman pag wala ako dito.Ito si Hailey.Ang bunso ko."

"Hi Ate Hannah."bati niya sa akin.

"Hello."nginitian ko naman siya.

"Kailangan kong alagaan ang lola niya sa probinsiya.Kaya iiwan ko muna siya dito."

"Ok lang po Ma."

"Kaya kung pwede ikaw muna ang magbantay sa kanya ah.At Hailey wag kang magiging pasaway sa ate mo."payo niya kay Hailey.

"Ilang beses niyo na pong sinabi sakin yan."-Hailey.

"Kahit na."

Natawa naman kami ni Hailey.Para kasi kaming bata na palagi niyang pinapayuhan.

"Aalis na ako.Mag ingat kayong dalawa dito."

"Opo Ma."sabay naming sabi ni Hailey.

Sinamahan namin siya sa labas hanggang sa makasakay siya ng taxi.

Saturday Morning

Sabay kaming lumabas ng kwarto ni Hailey.Late na kaming nagising dahil nagkwentuhan at nanood kami kagabi.Ang saya ko na dahil may kasama na ako dito.

Ako na ang nagluto ng breakfast naming dalawa.

"Hailey.Gusto mo bang mamasyal?"tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

"Oo naman."masaya niyang sabi.

Naging close na kami agad.

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming naligo at nagpalit.Tinawagan ko na rin sina Rhose,Claire,Jennie at Janine para may kasama kami.

My Boyfriend is a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon