Hannah's POV
Dinala niya ulit ako sa room kung saan ako nagpalit.
"I'll just take a shower."-Jeydon
"Ok."
Bakit may room na ganito dito sa school.Siguro dahil sa kanila toh kaya pwede silang magkaroon ng ganitong room dito.Umupo muna ako sa sofa at nilabas ang phone ko.Magbabasa lang ako ng MangaToon.After 20 minutes ay lumabas na siya.Tumabi siya sa akin at humiga at pinatong ang ulo niya sa legs ko.
"Anong ginagawa mo?"gulat kong tanong sa kanya.
"Matutulog lang ako saglit.Gisingin mo na lang ako kapag pagod ka na."At pinikit na niya ang mga mata niya.
Agad naman siyang nakatulog.
2 orad na ang nakalipas at mahimbing pa rin ang tulog niya.Binaba ko muna ang phone ko at tinignan ang mukha niya.Ang gwapo niya talaga.Bagay niya ang messy hair.Makakapal din ang mga kilay niya at ang tangos ng ilong niya.Kinuha ko ulit ang phone ko para kunan siya ng litrato.
Gosh!Nakalimutan kong tanggalin ang flash.
Gumalaw siya kaya agad kong itinago ang phone.Umupo siya at inayos ang buhok niya.
"Anong oras na?"tanong niya.
"4 o'clock na."sagot ko sa kanya.
"Ok.Let's go."Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas.
Pumunta kami ng parking lot at pumasok kami sa sasakyan niya.
"Saan tayo pupunta?"tanong ko.
"At my place.But we need to go first at the mall."At tumingin siya sa akin.
"Bakit?"
"You need to change your clothes."
Huminto kami sa harap ng isang mall.Paglabas ko ay hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami.
"Welcome sir."bati sa kanya ng mga staff.Malamang sa kanila kasi tong mall.Ang lawak at ang ganda dito sa loob.
"Ang gwapo talaga niya."
"Yeah.Youre right."
"Sino yung kasama niya?"
"Girlfriend ba niya?"
"Di naman sila bagay."
Bulungan ng mga babaeng dinadaanan namin.Ano daw?Di kami bagay?Tinignan ko yung babaeng nagsabi nun at umiwas naman siya agad.Inggit ka lang!
Pumasok kami sa isang Girls Wear.
"Welcome sir.What can I do for you?"tanong ng isang staff.
"Make her beautiful and give her the most expensive dress here."sabi ni Jeydon.
"Yes sir.Miss follow me."at sumunod ako sa kanya.
Inayusan nila ako at nilagyan ng make up.Binigay nila sa akin ang isang dress na mamahalin.Pumasok ako sa fitting room at isinuot ko ito.Ang ganda ng dress.Pagkatapos kong iayos ang dress ay lumabas na ako.
"Miss you're so beautiful in that dress."papuri sa akin ng isang staff.
"Thank you."Ngumiti ako at pinuntahan ko na si Jeydon.
Jeydon's POV
Dinala ko siya dito sa mall para ayusan.Kailangan niyang maging maayos para sa party mamaya.Its my mom's Birthday Party.Matanda na siya pero mahilig pa rin siya sa mga party.