Hannah's POVMaaga akong pumunta ng school.Pagdating ko sa campus ay walang katao tao kaya pumunta ako sa rooftop.Buti na lang at hindi nakalock ang pinto.Umupo ako sa isang block at pinanood ko ang sunrise.
Nilabas ko ang phone ko para kunan ng picture ang sunrise.Habang tinitignan ko ang nakuha kong litrato ay may naamoy akong kakaiba.Para bang usok ng yosi.
May iba pa bang tao dito?
Tumalikod ako para tignan kung may tao at nakita ko ang isang lalaki na naglalakad palapit sa akin. Nakasuot ng black pants ,black din na hoody at nakasuot din ng black na cap.
Nakakatakot siya kasi parang isang killer.Di ko makita ng maayos ang mukha niya.
Umupo siya sa tabi ko at tinanggal niya ang suot niyang cap.
Jeydon?
May band aid na nakadikit sa pisngi niya at may pasa na din sa labi niya.Pagkasubo niya ng yosi ay nakita kong nakabandage na din ang kanang kamay niya.
"Mag isa ka lang?"tanong niya.
"Oo."sagot ko na nakatingin pa rin sa kanya.
Hindi ko aakalain na gangster pala siya.Buti naman hindi nasisira ang mukha niya sa mga sugat at pasa.
"Alam mo na siguro kung bakit ganito ang itsura ko."
Agad ko namang namalayan na nakatitig pala ako sa kanya kaya agad kong binalik ang tingin ko sa sunrise.
"Oo."
"Hindi ko agad sinabi sayo dahil baka matakot ka."sabi niya.At sinubo ulit niya yung yosi niya.
Nakakahilo ang amoy!
Tumayo ako sa harapan niya at kinuha ko ang hawak niyang sigarilyo at tinapon ko ito.
Tinignan ko siya at nakatingin pala siya sa akin.
Bakit ko pala yun ginawa?
"Pwede ba itigil mo na ang paninigarilyo.Pero kung ayaw mo...wag kang maninigarilyo sa harapan ko."sabi ko at naglakad na ako paalis.
Nasa pintuan na ako nang lumipat siya at hinila ako.
"Ano ba?!Pwede ba bitawan mo ako!"sigaw pero patuloy lang siya sa paghila sa akin.
Pumasok kami sa room niya.Kinuha niya sa akin ang bag ko at inihagis niya sa sofa.Pagkatapos ay dinala niya ako sa kusina.
"Ipagluto mo ako ng breakfast."utos niya.
Dinala ba niya ako dito para lang magluto?
Ano pa bang ini-expect ko?
"Ayaw ko nga.Hindi mo ako maid para utusan mo."
"Hindi mo ba alam magluto?"tanong niya.
"Alam ko."
"Yun pala eh.Edi ipagluto mo ako."
"Hindi pa rin ako magluluto kahit alam kong magluto.At tsaka malaki ka na rin kaya dapat alam mong ipagluto ang sarili mo."
Lumapit siya sa akin at tinitigan ako.
"Ipagluluto mo ba ako ng pagkain or gusto mong ikaw na lang ang iluluto ko at kakainin?"
Hinawakan niya ang beywang ko at nilapit ng husto ang mukha niya sa akin.
"Oo na!Magluluto na ako."sabi ko at binitawan niya ako.
"Good girl.Dapat pagkatapos kong maligo ay tapos ka na"
Pag kaalis niya ay sinimulan ko nang magluto.
Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko agad ito sa table.Dumating na si Jeydon at umupo ito.