Hannah's POV
Maaga kaming nakarating sa school.At umupo muna kami sa football ground.
"Hannah san pala kayo pumunta ni Jeydon kahapon?"tanong sa akin ni Claire.
"Sa bahay nila.Kasi birthday ng mom niya kahapon."
"So pinakilala ka niya sa parents niya?"-Janine.
"Oo.At para ngang matagal na nila akong kilala."
"Anong ibig mong sabihin?"-Rhose.
"Na meet ko ang dad niya at nagkwento siya tungkol sa amin ni Jeydon.At nalaman ko rin na childhood friend ko siya pero wala naman akong maalala tungkol sa amin."
"As in wala ka talagang maalala?"-Claire.
"Oo."
"You told us na pumunta ka nang Korea.Baka naman naaksedente ka at nagkaroon ka ng memory lose or something like that."-Claire.
"I think wala naman."
"Are you sure?"-Rhose.
"Uhmm..ewan ko lang."
"You better ask tita or tito."-Janine.
"Try ko silang tawagan.Baka kasi busy ulit sila."
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari kahapon at nang malapit na ang time ay pumunta na kami sa aming mga rooms.Nasa pinto na ako nang magbell at dumating din si Jennie.
"Hi ate."bati niya.
"Hello.Anong ginagawa mo dito?"
"Pinapatawag ka ni kuya.Pumunta ka daw ng gym."-Jennie.
"Bakit daw?"
"Ewan ko."-Jennie.
"Pero time na eh."
"Sa tingin ko dapat pumunta ka na ngayon mismo kung ayaw mong siya ang pumunta dito at kunin ka."-Jennie.
Natakot naman ako sa sinabi niya.
"Sige."At umalis na si Jennie.
"Janine.Aalis lang muna ako."
"Bakit?Time na kaya san ka pa pupunta?"-Janine.
"Kailangan kong puntahan si Jeydon eh."
"Sige.Bumalik ka agad ah.Ako na lang ang bahalang kumausap kay ma'am."
"Babalik din ako agad."At pumunta na ako ng gym.
Pagdating ko dun ay nakita ko siyang mag isang naglalaro ng basketball.Nilapitan ko siya at nang mapansin niya ako ay tumigil siya sa paglalaro.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito.Bat di ka na lang kaya pumasok at sa classroom tayo mag usap."Lumapit siya sa akin na seryoso ang mukha..Bakit parang kakaiba siya ngayon.
"Wala akong ganang pumasok.May gusto lang akong itanong sayo."
"Ano ba yun?"
"Kailan ka pa bumalik dito sa Pilipinas?"tanong niya.
Teka.Kailan nga ba?
"5 years ago kasi 4 years lang ako sa Korea."sagot ko.
"Bakit nung bumalik ka di ka man lang bumisita o kaya'y tumawag?"tanong niya at nakatitig lang siya sa akin.
Biglang sumakit ang ulo ko kaya napapikit ako.
"Uhmm...k-kasi...kailangan ko nang umalis."mabilis kong sabi at tumakbo na ako paalis.
Binilisan kong tumakbo para di niya ako mapigilan.
Lunch time na pero di ko parin siya nakikita.Umalis na din yung mga kaibigan niya nung break time.May pinuntahan ba sila?Umuwi na kami agad pagkatapos naming kumain.