CHAPTER 17

232 12 0
                                    


Hannah's POV

Nagising ako dahil may naramdaman akong yumakap sa akin.Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Jeydon na natutulog.

Dito pala siya natulog kagabi.

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin at bumangon ako.

Tinignan ko ang oras at 6:30 am na.

Maaga pa lang pero naligo na ako.Pagkalabas ko ng banyo ay tulog pa si Jeydon.

Nagpalit na ako at 7:00 na kaya bumaba na ako para magluto.Pagkatapos kong magluto ay dumating na si Hailey.

"Ang aga mo ata ngayon ate?"tanong niya at umupo.

"Maaga kasi akong nagising.Kumain ka na."

Umalis na ako sa kusina at bumalik ako sa kwarto ko.Tulog pa din si Jeydon kaya nilapitan ko siya at umupo ako sa gilid ng kama.

"Jeydon?"

Mahimbing pa rin siyang natutulog.

Nilapitan ko ang mukha niya para tignan ang mga pasa at sugat niya nang bigla niyang hinawakan ang likod ko at hinila niya ako kaya napahiga ako sa dibdib niya.

"Jeydon!"tinignan ko siya at nakapikit siyang nakangiti.

Kanina pa ba toh gising?

Umupo ako at kinuha ang unan at pinalo ko sa kanya.

"Hey!"-Jeydon.Bumangon siya at umupo kaya naman tumayo ako.

"Wag mo akong sigawan.Tumayo ka na dyan.Anong oras na kaya."

At mabilis naman akong lumabas ng kwarto at bumaba na ako.

Nasa classroom ako ngayon at kasama ko ang mga girls.Sina Jeydon naman ay nasa gym.

Nakakatamad talaga makinig sa mga discussion.Last subject na at ang bagal pa ng oras.

Nagpaalam muna ako kay ma'am na pupunta ako ng restroom.

Paglabas ko ng cubicle ay nakita ko si Katheryn na may kasamang dalawang babae.Lalabas na sana ako nang biglang humarang yung dalawa sa daan ko.

"What do you want?"tanong ko at hinarap ko si Katheryn.

"I want you to stay away from Jeydon."-Katheryn.

"What if I won't ?"matapang na sagot ko at sinampal niya ako bigla.

"Jeydon is mine."-Katheryn

"Is that the reason why you followed him?...Jeydon's never loved you.Remember that."And she slap me again.

Sasampalin ko na rin sana siya nang hawakan ng dalawang babae ang magkabilang braso ko.

"Stay away from him!"Sinampal niya ako ng paulit ulit gamit ang dalawang kamay niya nang...

"AAHHH!"Napasigaw ako dahil parang nabalatan ang pisngi ko.

Nagulat naman si Katheryn at napatingin siya sa kamay niya.

"Y-you d-deserve that!L-let's leave." - Katheryn.

Binitawan naman ako ng mga kasama niya kaya napaupo ako sa sahig at umalis na sila.

"Ouch."

Hinawakan ko ang pisngi ko at nagulat ako nang makakita ako ng dugo sa kamay ko.

"Ano toh?"

Dahan dahan akong tumayo at tumingin ako sa salamin.

"What the-"May sugat ako sa pisngi.Pero pano?

Dahil ba sa sampal ni Katheryn?

My Boyfriend is a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon