CHAPTER 7

263 11 0
                                    


Jeydon's POV

Lumipas ang isang linggo na hindi kami nagpapansinan.

Nasa bar ako ngayon kasama si Jayson nang tumawag sa akin si Drake.

"Boss.Bumalik ang mga Dark Blood at gusto daw tayong kalabanin.Sa tingin ko gusto nila ulit na maghiganti.At nilabanan pa nila si Xandrae na nandito ngayon at ginagamot dahil ang daming pasa at sugat."-Drake.

"Nadyan ba kayong lahat?"

"Oo."

"Ok.Iwan niyo muna si Xandrae at pumunta tayo sa underground society ngayon."Tumayo ako agad at pumunta ako sa sasakyan ko.

"Lalabanan natin sila?"-Drake.

"Malamang.Bakit..natatakot ka?"

"Hindi.Excited na nga akong labanan ang mga gagong yun eh"-Drake.

Pagdating ko sa underground society ay sinalubong ako nina Drake at yung iba pa.

Pagpasok namin ay maraming tao ang nanonood sa labanan ng Dark Blood at ang Evil King.Nang makita nila kami ay tumigil sila.

"Jeydon!Long time no see."sabi ni Andrey at lumapit sa akin.Siya ang leader ng DBG.

"Buhay ka pa pala?"Inis kong tanong sa kanya.

Tumawa siya kasama ang mga member niya.Parang mga sira.Tumigil na siya sa pagtawa at tumingin sa akin ng seryoso.

"Sa tingin mo ba susuko ako ng ganun lang.Hahaha.Hanggat nabubuhay ako lalabanan kita!"

"Talaga?Dapat pala ngayon patayin na kita."

"F**K YOU!"

Bigla niya ako sinuntok pero naiwasan ko naman.Mabilis kong hinawakan ang damit niya at sinuntok ko siya ng malakas sa mukha.Natumba siya at tatayo na sana nang bigla ko syang sinapa sa mukha.Sumuka naman siya ng dugo.

"Ano?!Di nyo ba siya tutulungan?Or Natatakot na kayo?"tanong ko sa mga kasama niya na nakatayo lang at nanonood sa amin.

Nagtinginan sila at sabay sabay nila kaming sinugod.Sari sarili kami ng kalaban at mabilis naman namin silang napatumba.Tinignan ko si Andrey na pinipilit nyang tumayo.

"J-Jeydon!"Nakatayo na siya pero nanginginig na ang buong katawan niya.Mibilis niya akong nilapitan at lumuhod siya sa harapan ko.

"Patayin mo na ako.Sige na...PATAYIN MO NA AKO!!"sigaw niya.

"Sige."

"Papatayin mo ba talaga siya?"bulong sa akin ni Yohann.

"Oo."

Susuntukin ko sana siya pero may biglang humarang  sa akin  kaya napahinto ako.

"Wag!Pakiusap wag mo siyang sasaktan."pakiusap sa akin ng isang babae at lumuhod na din siya.

"Ate?A-anong ginagawa mo dito?"gulat na tanong ni Andrey sa babae.

"Nagmamakaawa ako sainyo.Wag niyong papatayin ang kapatid ko."

"Kung ayaw mong patayin ko ang kapatid mo.Sabihin mo sa kanya na wag nang magpapakita sa akin."

Tinignan naman ako ni Andrey.

"Sabi mo papatayin mo ako ngayon?"-Andrey

Talaga bang gusto niyang mamatay?

"Tumahik ka nga dyan.Halika ka na."Tinulungan niyang tumayo si Andrey."Pangako hindi na siya magpapakita sayo."sabi ng babae at umalis na sila.

"Tanggalin niyo na sa top list ang Dark Blood."utos ko kay Yohann.

"Sige."

Kami ang Top Royal kaya may kapangyarihan kaming magtanggal ng Grupo o tao dito sa underground society.

My Boyfriend is a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon