Chapter Four

1.2K 54 11
                                    

Hindi ko pa rin inaalis ang nakatalukbong sa akin lalo na nang malaman kong si Arianna pala iyon.

Si Lincoln pala ang mapapangasawa niya!

"You know I really hate you so stop crying. Umalis ka na. Pupunta na lang ako doon."

Nagpatuloy lang sa pag-iyak si Arianna at akmang susugurin ako nang humarang si Lincoln sa harapan ko.

"Touch her and I'll kill you."His voice is cold as ice. No, colder.

"Why?! Sino ba siya?! Ano ba'ng meron sa kaniya na wala sa akin? Come on, Lincoln... I can do anything for you... Please..." Halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak.

Lalabas na sana ako para magpaliwanag dahil naaawa na ako sa kaniya nang magsalita si Lincoln. And I didn't expect what he said.

"I love her and I don't love you. Now, go."

Nang sabihin niyang mahal niya ako ay malambing ang boses niya. He sounds sincere.

Tumakbo palabas ng kwarto si Arianna nang umiiyak. Lumabas naman ako sa pagkakatago at nameywang sa harap ni Lincoln.

"What the hell was that, mister?"

He just shrugged. "Invited ka sa kasal diba? If you go now, aabot ka pa but if you want to cuddle with me, we'll ditch that freaking wedding," nginisian niya ako at kinindatan.

Inirapan ko naman siya at inunahan sa banyo. Isinuot ko ang suot kong dress na dinala niya pala nang dalhin niya ako rito. Nang makalabas ako ay may kausap siya sa cellphone niya at nakakunot ang noo.

Hindi naman niya ako nakikita pa kaya tinitigan ko muna. Napakapogi talaga nito. Kaya naman pala broken na broken si Arianna.

"I don't know. The wedding will happen, don't worry. Hindi masasayang ang pagod mo."

Nang lumingon siya sa gawi ko ay iniiwas ko ang tingin ko at naglakad na palabas.

"Gotta go. Bye."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umuwi na sa bahay.

Sila Red at ang iba pang bridesmaid ay nasa hotel malapit sa venue. Doon sila aayusan. Medyo malayo iyon dito sa hotel na pinagdausan ng bachelorette party niya kaya nag-effort pa talaga siya para ma-check si Lincoln dito.

Nang makarating ako sa bahay ay naligo na ako at nagsuot ng dress. Color gold ang suot ko kasi pwede naman daw iyon at iyong color gold na dress lang ang dress ko na matino. Ang mga dress ko kasi ay fitted at talagang hindi bagay sa kasal.

Nang matuyo ang buhok ko ay inilugay ko lamang ito. Natural na na kulot kaunti ang buhok ko. Naglagay lamang ako ng light make up at umalis na.

Nang makarating ako sa venue ay nasa labas ang karamihan. Ang iba ay nasa loob na at nakaupo. Nilapitan ko ang mga bridesmaid.

"Ba't andito kayo? Ilang minutes na lang mag-start na ha?"

Si Red ang sumagot sa tanong ko. "Si Arianna kasi e wala pa. Tumakas kasi tapos hindi pa nakakabalik. Si Lincoln naman ay nasa loob na, kakarating lang. Hindi niya daw alam kung nasaan."

Sasagot na sana ako pero ang wedding organizer na pinsan ni Lincoln ay pinapapasok na ang lahat.

"Nandyan na siya. Come on." Aya ng isang bridesmaid.

Si Red na siyang maid of honor ay pinapasok na rin kaya wala na siyang nagawa.

Papasok na ang lahat at ako na ang papasok nang pigilan ako ng wedding organizer.

"Wait. The bride will be the last to enter."

Her Impromptu WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon