Chapter Nineteen

697 33 1
                                    

I looked at the house in front of me. This is where I started falling for him.

Nandito kami ngayon sa rest house niya. Dito namin napagdesisyunan na magpunta dahil walang makakatalo sa ganda ng lugar na ito.

Pumasok ako sa bahay at hinintay si Lincoln na buhat ang mga maletang dala namin. Plano naming mag-stay dito for one week.

"Iwan mo na lang muna dyan yan, love. Let's cuddle." Sabi ko at naupo na sa sofa na nandoon.

Sinunod naman niya ako at tumabi na siya sa akin. Niyakap niya ako at paulit-ulit na hinalikan ang pisngi ko. Natatawang nilingon ko naman siya at hinalikan ang tungki ng ilong niya.

"Let's watch."

We're comfortable in each other's arms while watching our favorite movie. If only this could lasts...

Nang maggabi ay naghanda siya ng dinner namin. Niluto niya ang paborito kong pagkain at nagkukwentuhan lang kami. It feels so damn right.

"Bukas ay mag-jet ski tayo." Suhestyon ko.

Tumango naman siya at pumayag na sa sinabi ko. Nagpatuloy lang kami sa pagkain nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sinilip ko iyon at nakita kong si Marie ang tumatawag.

Nilingon ko si Lincoln na ngayon ay walang emosyon ang mukha.

Why is she calling?

Nilingon ako ni Lincoln. Himihingi ng permiso kung sasagutin niya ba ang tawag o hahayaan na lang.

Dahil doon ay bumalik sa akin ang alaala na pilit kong kinakalimutan.

He's going to be a dad now. But I'm not the mom.

Kinagat ko ang labi ko at pinipigil ang luha ko. Tinanguan ko siya nang hindi nililingon at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ayoko ngang alalahanin ang katotohanan na iyon e. Pero bakit sinusundan ako non? Bakit ba ako ang sinasaktan nang ganito? Wala naman akong ginagawang masama ah?

Sinagot niya ang tawag at ni-loud speaker iyon.

"Hi, hon! I want to be with you now. At naii-stress ako sa isiping kasama mo iyang babaeng 'yan. Masama sa buntis ang stress. Malapit na ako dyan. Bye. I love you."

Binaba niya ang tawag at napatigil naman ako. She's coming here? Pero wala naman akong pinagsabihan—

"You told her?" I asked.

Inaabot niya ang kamay ko pero iniiwas ko iyon sa kaniya. Kita ko naman ang sakit sa mata niya.

"H-hindi naman ako pwede mawala nang hindi siya s-sinasabihan. S-she's pregnant with m-my child and—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at tumayo na. Kinuha ko ang pinagkainan ko at dinala sa lababo. Hindi ko pinapansin ang pagtawag at pagsunod niya sa akin. Pilit niya akong hinahawakan pero umiiwas lang ako.

"Wife..." His voice is about to break.

Nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin.

"I'm not your wife, Lincoln. And never will be." Even if I badly wanted to.

Her Impromptu WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon