Chapter Six

1.2K 50 8
                                    

"You may now kiss the bride."

Hinapit niya ang bewang ko at hinalikan ako. Damn. Ano ba itong pinasok ko?

Kahapon lang ay single ako tapos ngayon ay married woman na?!

Damn. Bahala na.

Nang matapos niya akong halikan ay tsaka ko lamang narinig ang palakpakan ng mga tao. Mukhang sa side ito ni Lincoln dahil kung hindi ay aalis na sila.

Nilingon ko si Red na ngayon ay walang emosyon. Nginitian ko lang siya at hinila na ako ni Lincoln palapit sa isang babae at lalaki na hawig na hawig niya. Damn! It's his parents!

"Ma, I'm glad you stayed." Sabi niya at niyakap ang kaniyang ina.

"It's your wedding, of course I'll stay." She smiled at me then hugged me next. "I like you more than Arianna, Purple. Welcome to the family."

Nagpasalamat lang ako at hinila na ako paalis ni Lincoln doon. Nang makasakay kami sa sasakyan niya ay hindi ko napigilan na masapak siya.

"What was that for?!"

"You blackmailed me, idiot!" Galit na sabi ko at pinagpapapalo siya.

Hinayaan naman niya ako at pinaandar na ang sasakyan.

"Yeah. That's the only way I can have you."

Tumigil ako sa paghampas sa kaniya at nagtanong.

"You don't even know me. Ano ba'ng sinasabi mo?"

Hindi siya sumagot kaya hindi na rin ako nagsalita. Sa sobrang tagal ng byahe ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko.

"Wake up, my Saria. We're here."

Iminulat ko ang mga mata ko at nilingon ang paligid. Nakita ko ang isang napakalaki at napakagandang bahay sa tapat namin. Sa tapat ng bahay na ito ay ang beach na sobrang ganda kahit madilim na.

"Where are we?" Tanong ko rito.

"Batangas." Simpleng sabi niya at lumabas na. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"What are we doing here?"

"Vacation. Don't worry, may dala akong mga damit. Come on." Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay mas lalo akong namangha. Kung maganda ang labas ay mas maganda itong loob. Siguro ay aabutin ako ng ilang araw bago ko malibot ang kabuuan ng bahay na ito.

Umakyat kami sa ikalawang palapag at pumasok sa kwarto sa pinakadulo. Sobrang ganda dito. May king size bed, tv, cr at may mini refrigerator pa.

Ibinaba niya ang mga dala namin at iniabot ang isang paper bag.

"Isuot mo 'yan. Magdi-dinner tayo. I'll wait for you downstairs." Aniya at bumaba na dala ang isang suit.

Naligo ako at isinuot ang dress na ibinigay niya. It's a blue cocktail dress.

Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko at naglagay lang ako mg powder sa mukha. Nilagyan ko rin ng tint ang labi ko at kinuha ang phone ko bago bumaba.

May mga petals ng roses doon. Para siyang passage sa pagkakaayos niya. Sinundan ko iyon hanggang sa makapunta ako sa garden.

May table for two doon at nakahanda ang paborito kong mga pagkain. May nagva-violin doon pero hindi ko makita kung nasaan si Lincoln.

Nagulat na lang ako nang maramdaman may humawak sa kamay ko. Nang lingunin ko ay nakita ko si Lincoln na naka-suit. Sobrang gwapo niya sa suot niya lalo na at nakangiti siya sa akin. Kumikinang ang mata niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Finally, I got you."

Her Impromptu WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon