Chapter Twenty Two

684 31 0
                                    

Naiiyak na talaga ako. Bakit kasi ganito? Bakit pumayag ako?

Edi ngayon ay nanginginig ako sa takot! Bakit ba naman kasi sumama akong mag-zip line?!

Kami na ang susunod sa pila at talagang sobrang higpit ng hawak ko sa kamay ni Lincoln. Mababali ko na ang buto niya sa sobrang higpit.

"Relax, wife. Akong bahala sayo." Aniya at hinawakan ako sa beywang.

"Okay. Next." Sabi ng empleyado na nandoon.

Bumuntong-hininga ako bago humakbang. Come on, Purple Saria! You can do it! For Lincoln!

Isinuot na sa amin ang harness at sinigurado na mahigpit iyon. Nakadapa kami at magkatabi kaya nahahawakan ko ang kamay niya.

"Nanlalamig ka." Komento nito.

Ipinikit ko ang mga mata ko. I can't do this!

"I-I'm scared..." Bulong ko.

Pinisil niya ang kamay ko at binulungan ako. "I love you. You can do this. I know you can."

"Okay, ma'am, sir. Ready na po." Sabi nito at may pinindot kaya umandar kami.

Sobrang bilis non. Pikit ko ang mata ko dahil sa takot.

"Open your eyes, wife. It's beautiful."

I slowly opened my eyes and the scenery below me is breathtaking.

Napangiti ako. This isn't so bad.

"Ang ganda nga!" Sabi ko at tinuro ang nasa ibaba.

"Yeah. It's beautiful. So damn beautiful."

Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin habang nakangiti. Namula naman ang pisngi ko dahil doon.

"We'll make this work, wife. You and me. Forever."

I bit my lower lip. Stopping myself from crying again.

"I love you, Lincoln. I always will."

-----

"Grabe talaga! Feeling ko ay nabawasan ng 5 years ang buhay ko!" Sabi ko habang tumatawa.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Maraming pagkain sa mesa namin kasi pakiramdam ko ay nawala lahat ng kinain kong pagkain dahil sa pag-zip line.

"You're so cute when you're scared." Ani Lincoln habang inaalala ang mukha ko kanina.

Imbis na mainis ay natawa ako. Grabe, cute pa 'yon? E pawis na pawis nga ako at nanginginig pa.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo kami sa beach. Trip ko kasing mag-swimming kaya sinamahan niya ako.

Nakasuot ako ngayon ng shirt at tshirt niya. Ewan. Mas komportable kasi e.

Nakasuot rin siya ng t-shirt kasi para lang daw sa akin ang view na iyon. Siraulo talaga.

"Damn it! Aray!" Sabi niya at mukhang nasasaktan.

Lumangoy naman ako palapit sa kaniya. Naka-life vest ako. Hehe.

"Ano? Bakit?" Sabi ko rito pero umiling lang siya tapos ay biglang lumubog.

"H-hoy, Lincoln! Ano ba! Parang tanga naman!" Sabi ko habang nililibot ang paningin.

Kumakapa rin ako sa ilalim ng tubig pero wala talaga siya.

"Lincoln naman e! Hindi na nakakatuwa!" Sabi ko dahil ilang minuto na ay wala pa rin siya.

Walang tao sa paligid kaya wala akong mahingan ng tulong. E kung tumawag ako? Oo, tama!

Lumangoy ako paalis doon at nang makuha ko ang cellphone ko ay dinial ko agad ang 911. Pero may humablot ng cellphone ko.

Tapos ay biglang yumakap siya sa likod ko.

"You really cared. I love you, Saria. Let's get married for real."




Her Impromptu WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon