Chapter Twenty Five

919 36 0
                                    

Today is our last day here.

I wanted to cry but today isn't the time for that. I should just enjoy this moment.

At least, it's good while it lasts.

We planned to visit Ceres'. It's a secret cave here. Konting tao lang ang nakakaalam non dahil talagang pinakatatago iyon.

We need to ride a boat. It's an hour away from here. Tumawag kasi si Lincoln sa isang kaibigan niya kaya nalaman namin ang lugar na iyon.

Nasa bangka na kami at kanina pa masama ang tingin ko sa babaeng kaharap. Hindi niya ako napapansin dahil busy siya sa pagpapa-cute kay Lincoln.

Ang tanging pumipigil lang sa akin para dukutin ang mata niya ay si Lincoln na nakayakap at nakabaon ang mukha sa pisngi at leeg ko.

Nang mapalingon sa akin ang babae ay nginisian ko siya kaya iniiwas na niya ang tingin. Lincoln chuckled.

"Wow. You're jealous." Komento nito.

Inirapan ko lang siya at nag-focus na sa panonood sa dagat.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami roon. 5 lang kami kaya hindi masikip sa lugar. Pumasok kami sa Ceres' Cave at nang maabot ang dulo ay napasinghap ako.

Madilim ang paligid pero ang tubig na nandoon ay maliwanag. It's glowing.

"Wow..." I muttered.

Ang ibang nandoon ay napatigil din sa nakita. Kahit si Lincoln ay hindi maialis ang tingin doon.

Umupo kami sa tapat non at inilublob ang paa namin matapos hubarin ang sapatos. Malamig ang tubig pero hindi iyon dahilan para iahon ang mga paa namin.

Tahimik din ang paligid. Ninanamnam ang kapayapaan sa lugar na ito.

Inihilig ko ang ulo sa balikat ni Lincoln, siya naman ay ipinulupot ang braso sa beywang ko.

"I love you so much, my Saria. I'm sorry for lying. I'm sorry for everything." Bulong ni Lincoln at hinalikan ang ulo ko.

"It's fine. Ang mahalaga ay nakasama kita kahit sa huling pagkakataon."

Magsasalita na sana siya pero nagsalita ang tour guide na naroon.

"Kapag naghulog kayo ng barya sa wishing well doon ay matutupad ang hiling nyo." Anito at tinuro ang wishing well sa di kalayuan.

Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko.

"Damn?" Ani Lincoln nang makita ang nilabas ko mula sa bag.

Isang plastic bag ng barya. Nagpapalit ako kanina doon sa restaurant. 500 din ito kaya mabigat.

Lumapit ako sa wishing well at ipinikit ang mga mata ko.

Nang matapos akong mag-wish ay inihulog ko lahat ng barya.

Kapag hindi pa 'to nagkatotoo, ewan ko na lang. Scam.

Natawa si Lincoln at siya naman ang nagwish doon.

Naglakad kami pabalik sa dating pwesto. Nang makarating ay naupo kami doon at tahimik na nanood.

"Anong wish mo?" He asked.

Umiling naman ako. "Hindi magkakatotoo kapag sinabi."

Kita ko na gusto niyang malaman pero hindi pwede. Mahalaga ang wish ko at dapat ay matupad iyon.

Pagkalipas ng ilang oras ay tinawag na kami. Kailangan na naming bumalik dahil papalubog na ang araw.

Sobrang ganda sa bangka dahil sa sunset. Nakakatuwang pagmasdan.

Nang makabalik kami ay nagsalita si Lincoln.

"You know what, my Saria? I want to name my child after her mother, the woman that I love. Pero hindi ko naman mahal ang mommy niya. Ikaw ang mahal ko..."

"So, you'll name your child after me?" I asked.

Durog na durog na ang puso ko dahil sa pinag-uusapan namin. It's good and heartwarming to know that he'll name his child after me. But what hurts the most is the fact that I'm not the mother of his child.

He nodded and hugged me tight.

"I love you so damn much. I can't live my life happily without you. I'm sorry for everything. I really am."

I hugged him too and wished that my wish will come true because...

I wish for him to stay and love me for the rest of our lives.

Her Impromptu WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon