Chapter Twelve

838 39 5
                                    

Nasa office ngayon si Lincoln kaya ako ay napagdesisyunan na magpunta na muna sa boutique.

Si Red muna ang pinagha-handle ko roon kasi maaasahan naman siya.

Nang makarating ako roon ay nagulat ako sa dami ng tao. Sinasabi ni Red na marami nga pero hindi ko inaasahan na ganito.

Being Mrs. Nicolosi has a huge impact.

Nang napansin na nandoon ako ay inilabas nila ang mga cellphone nila at nagpa-picture. Hindi ko naman matanggihan kasi customer sila.

"I can't believe it! Nakita ko ang asawa ni Lincoln!"

Yeah. Bumibili lang sila dito dahil asawa ako ni Lincoln. Hindi talaga dahil sa mga damit na gawa ko.

Dahil doon ay napagdesisyunan kong pumasok na muna sa opisina ko rito. Umupo ako sa swivel chair at tiningnan ang mga papeles sa harapan ko.

Maraming nago-offer na i-feature ako at ang boutique ko.

Binasa ko lamang ang mga iyon kahit hindi ko naman e-entertainin.

Bandang tanghali ay tumawag si Lincoln sa akin.

"How's my wife?"

"Good." Bored na sagot ko.

"You okay? You ate your lunch?"

Umiling ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. "Nope. Kakain pa lang."

"Huwag ka ngang magpalipas ng gutom..."

Ay, pa-fall.

"Yes, boss." I laughed.

"Tss. May meeting ako. Tatawagan kita after. Take care, wife. I love you."

Nang matapos kaming mag-usap ay lumabas na ako sa office ko. Inaya ko si Red na mag-lunch pero tinanggihan ako. Marami daw kasing customer.

Kaya mag-isa akong kumain sa restaurant na paborito kong kainin. Malapit lang ito sa boutique at dati ay payapa akong nakakakain pero ngayon ay may kumukuha ng picture.

Hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman nila ako nilalapitan dahil naka-plaster sa mukha ko na naiinis ako. Ganon dapat para layuan ka.

Nang matapos ako ay bumili ako ng dessert sa pinakamalapit na shop. Medyo naiinis na ako dahil sa mga flash ng camera nila.

Instant celebrity ang peg ko.

Napagdesisyunan kong umuwi na lang at huwag na pumunta sa boutique.

Pag-uwi ko ay naligo lang ako at natulog na muna.

Nagising ako na madilim na sa labas. 9 pm daw ang uwi ni Lincoln ngayon at nang chineck ko ang cellphone ko ay 7 pm pa lang.

Nagluto na lang ako ng dinner. Niluto ko ang paborito niya. Alam ko kasi nang nasa bakasyon kami ay gustong gusto niyang kainin iyon.

May tumawag sa cellphone ko habang naghahalo kaya sinagot ko iyon.

"Damn! You're fine! Thank goodness!" Sigaw ni Lincoln sa kabilang linya.

Kumunot naman ang noo. "Ha? Problema mo?"

"Ilang beses akong nag-text at tumawag sa'yo! Akala ko iniwan mo ko."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Iyon ang inisip mo? E paano kung nasa masamang kalagayan na ako?"

"Malalaman ko iyon. And don't ask why."

"Hmm. Okay. Hindi kita pipilitin kasi naiinis ako kapag ako ang ginaganoon. By the way, nasaan ka na?"

"Tinatapos ko lang ito. Pauwi na ako, wife. I'll hang up now so I can finish this early. I love you."

Natapos akong magluto saktong 8:30. Pauwi na si Lincoln kaya naligo na ako at nagpalit ng disenteng damit. Nakakahiya namang humarap sa kaniya na suot ang damit ko na suot ko kanina pa.

Nang marinig ko ang tunok ng makina ay sinalubong ko na siya. He hugged me tight and whispered to my ear.

"Sana ganito na lang palagi. Me going home to the girl that I love. Sana ay hindi ka na umalis... Sana."

Her Impromptu WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon