Chapter Seventeen

705 35 8
                                    

Nakaupo lang ako dito sa hagdan at tahimik na umiiyak habang nakikinig sa pag-uusap nila.

I wanted to know why. Bakit ginawa nila ito sa akin? Ano bang nagawa ko at ganito sila?

"Uuwi na ako. I need to talk to my wife." Tumayo si Lincoln at nagtungo sa pinto.

Pero nagsalita si Marie na ikinatigil ng mundo ko.

"Baka makakalimutan mo, it's just fake, Lincoln. Akin ka pa rin. And by the way, I'm pregnant."

He stilled. Unable to move.

Hindi ko na napigilan at napahikbi na ako. Lahat sila ay gulat na napatingin sa akin bukod kay Arianna.

Umirap lang si Marie nang makita ako. Si Red ay agad kinausap si Arianna. At nang lumingon ako kay Lincoln ay nanlalaki ang mga mata niya.

"Arianna, what the hell?!" Dinig kong sigaw ni Red.

Ang mga sunod na sinabi nila ay hindi ko na naintindihan. Nakatingin lang ako kay Lincoln na ngayon ay namumutla na at lumalapit sa akin.

"Wife..."

Pero bago pa siya makalapit ay tumakbo na ako papalayo roon. Papalayo sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko.

Takbo ako nang takbo at sobrang labo na ng paningin ko dahil sa mga luha kong ayaw tumigil sa pagtulo. Hindi ko na namalayan na naka-red ang stoplight at may sasakyan na na patungo sa akin.

-----

Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Sinubukan kong gumalaw pero tumigil din ako dahil sobrang sakit ng katawan ko. Nasaan ba ako? Ano bang nangyari?

Napalingon ako nang biglang may pumasok sa pintuan.

"I'm glad you're awake. Are you feeling okay?" He asked.

It was Rander.

"Where am I? And what the hell am I doing here?" I asked instead of answering his question.

Umupo siya sa upuan sa tabi ng kama na hinihigaan ko.

"You're at the hospital. You were hit by a car. I was there and I brought you here."

And I suddenly remembered what happened.

Arianna, Marie, Red and Lincoln. The lies, the pain, the tears and the truth.

"They lied to me..." Bulong ko. At nilingon ko siya nang may natandaan ako. "Kasama ka rin ba nila? Pinsan ka ni Marie, hindi ba? At nandon ka sa pagkakataong iyon. Kasabwat ka nila! Sasaktan mo rin ako! Umalis ka na dito! I don't need you!"

Kita ko ang sakit sa mga mata niya. Pilit akong bumangon para mapaalis siya o para umalis ako. Pero hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pilit na inihiga.

"Don't move. You're not healed yet. Come on, Saria... Don't be so hard-headed."

Saria...

"Don't call me that! Si Lincoln lang ang tumatawag sa akin non!"

Kinagat niya ang labi niya at iniiwas sa akin ang tingin.

Kahit galit ako kay Lincoln ay hindi ko pa rin hahayaan si Rander na tawagin ako ng ganoon.

"That's mine. His story is mine. That was me, Saria. The one who sent you letters. The one who buy lunch for you. The one who stalked you. The one who's calling you Saria. It's me, honey. It's me."

Her Impromptu WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon